CRIME command center, eto ang bagong tawag sa National Bilibid Prison (NBP).
Ginagawang headquarters ng mga “high profile criminals” na nakakulong sa loob para pagplanuhan ang kanilang krimeng ginagawa sa labas ng bilangguan.
Kaya ang NBP, nasa sentro ng kontrobersiya ngayon. Hindi naman sikreto na ang pinuno ng mga hard core criminals tulad ng mga organisadong sindikato ay nasa loob ng bilibid.
‘Yung mga tinatawag na the brain o “utak”o pinuno, ay panghabambuhay ng sentensiyado dahil sa bigat ng krimeng kanilang ginawa.
Sila ‘yung walang tiyansang mabigyan ng “parole” kaya pakuya-kuyakoy nalang sa loob hanggat malagutan na sila ng hininga.
Bagamat nakapiit ang mga lider ng mga organisadong crime syndicate ay masasabing hayahay pa din ang kanilang buhay – pautos-utos, pamando-mando lang.
Ang masaklap, nananatili ang kanilang kapangyarihang magbigay ng utos sa kanilang ng mga miyembro sa labas at isagawa ang anumang uri ng krimen .
Kahit nakakulong, may mga naka-standby na financier sa labas ng Bilibid na nagpopondo o siyang “taya” sa anumang proyekto.
“Proyekto” ang tawag sa kanilang mga tatrabahuin. Kesehodang ito ba ay bank robbery, kidnapping for ransom, assassination o pamamaslang sa mga “target”, maging yung mga “gun for hire” – mga tirador galing sa loob.
Sa pamamagitan ng sabwatan, naisasakatuparan, naisasagawa ang nasabing projec na pinondohan ng mga financier.
May tinatawag ding project manager na taga labas — siya yung sinasabing recruiter. Siya ang may plano, may escape route at kung anu-ano pang stratehiya kung papaano maisasagawa at maisakatuparan ang proyekto.
Sa lumabas sa media nitong nakaraan, sa tono at timbre ng panawagan ng isang malaking kumpanya ng Diyaryo – inaakusahan nila ang National Bilibid Prison.
Kulang na lang sabihin, gawin nyo ang clearing operations diyan sa loob, tulad ng ginawa noong panahon ni Pangulong Duterte.
Hanggat hindi nilinis ang loob, hindi magiging mapayapa ang ating lipunan sa labas. Bakit? Dahil may gobyerno sa loob na ang mga bumubuo ay mga sindikato.
A government within the government.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.