Mala-eksena sa pelikula ang sumbong ng isang barbero matapos mabudol o ma-scam sa nabili nitong bertud o ‘agimat’ sa Facebook.
Tinutukan ng BITAG Multimedia Network (BMN) ang kaso ng isang barbero at isang mala-‘Pepeng Agimat’ na nagbebenta ng bertud, agimat, at gayuma sa social media.
Lumapit sa investigative public service program na Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo ang complainant na si Rowell Catarroja, isang barbero.
Ayon kay Rowell, peke and nabili niyang agimat kay Donald Sabanag, 29, taga-Cavite.
Ipinost nito sa Facebook ang eksena ng pag-testing sa nabili nitong agimat na nagkakahalaga ng P1,200.
Nagka-sugat at nagtamo ng mga pasa si Rowell pagkatapos siyang paulit-ulit na hatawin ng itak ni Donald.
Pero ang hindi alam ng complainant, maliban sa pala sa paggawa ng agimat, gayuma, at bertud – bihasa rin daw si Donald sa pangungulam.
Dito na naisipang lumapit sa programang #ipaBITAgmo si Rowell.
“Humihingi po ako ng tulong sa BITAG. May nabili po akong agimat na wala namang bisa. Ito ay pawang scam lamang. Nagbabanta po, keso kukulamin, keso babasagin ang ulo (ko). Hindi lang ako ang pinagbantaan marami pang iba kaya po ako lumapit sa inyo (BITAG),” pahayag ni Rowell sa programa.
Tinawagan ng programang #ipaBITAgmo ang inirereklamo. Pero depensa nito, hindi totoong scam o peke ang kanyang mga agimat. Katunayan, natutunan pa umano niya ito sa kanyang lolo sa Calbayog, Samar.
Inamin ni Donald ang pagbabantang kukulamin si Rowell, pero dahil lamang umano ito sa selos matapos matunugang ‘aaswangin’ ng customer ang kanyang misis.
Ang mga kuwentong kahalintulad nito ay tinatalakay ng Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo para paalalahanan ang publiko.
‘Wag basta-basta maniniwala sa mga nakikita sa Facebook at hindi dapat lahat ng bagay ay nadadaan sa dahas o unit ng ulo.
Sa huli, napagkasundo ng program host ng #ipaBITAGmo na si Mr. Ben Tulfo ang magkabilang kampo. Nangako rin si Donald na hindi na niya kukulamin si Rowell.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.