Pangarap ng bawat isa ang magkaroon ng maganda at ligtas na tahanan.
Subalit paano kung ang napili niyong tirahan, may isang malagim na krimen pala ang naghihintay?
Katulad ng isang kwentong tinutukan ng Crime Desk ng BITAG Multimedia Network (BMN), isang malagim na krimen ang bumalot sa Central Park 2 condominium sa Pasay City.
Limang buhay ang nasayang sa ginawang pananaksak ng isang nag-amok na residente.
Alas-sais ng gabi noong Agosto 29, 2017, nang walang habas na pagsasaksakin ang mga biktima ng kinilalang suspek na si Alberto Garan, 39.
Si Garan ay isang tricycle driver at residente ng nasabing condominium.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagsimula ang pag-aamok ni Garan sa ika-labing apat na palapag ng gusali kung saan unang nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo ng kanyang kinakasamang si Emelyn Sagun.
Gamit ang isang kutsilyo, sinaksak ni Garan ang kanyang kinakasama bago inihulog sa unang palapag ng gusali.
Dito na raw nagsimulang mag-amok si Garan at naglibot sa iba’t ibang palapag ng condominium dala ang kutsilyo.
Pinagsasaksak ni Garan ang sinumang nakasalubong sa daan na nagresulta sa pagkasawi ng dating mamamahayag na si Joel Palacios (70), Daisery Castillo (12), Leticia Epsiaca (60), at Ligaya Dimapilis (36).
Nagsagawa ng isang manhunt operation ang mga rumespondeng pulis at napatay si Garan matapos ang bigong pakikipag negosasyon.
Nagsampa ng kaso ang mga nakaligtas sa malagim na krimen laban sa pamunuan ng Central Park 2 condominium dahil umano sa kanilang pagkukulang at kapabayaan.
Ang kuwentong ito ay itinatampok ng BITAG Multimedia Network (BMN) at ng BITAG Media Digital (BMD) upang paalalahanan ang publiko sa mga ganitong krimen.
Maaaring kapulutan ng tamang paghahanda at babala upang makaiwas sa malagim na krimen.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.