Sa panahong marahas, naglipana ang iba’t ibang klase ng modus at mga kawatan. May mga masasamang loob na gusto lamang makapanlamang, subalit madalas – ang mga magnanakaw, halang ang mga bituka!
Hindi lang pera o yaman ang ninanakaw kundi pati buhay.
Isa sa mga siniyasat BITAG Crime Desk ang kaso ng akyat-bahay sa Villasis, Pangasinan, taong 2018.
Hindi ito ordinaryong kaso ng panloloob. Bukod sa pagnanakaw, parang baboy na kinatay ng suspek ang biktima sa loob ng kanyang tahanan.
Dalawampu’t dalawang (22) saksak ang tinamo ng biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na tila wala talaga itong balak buhayin.
Pero bago lagutan ng hininga ang biktimang si Remedios Maer, 54, nag-iwan ito ng ‘lead’ o palaisipan sa mga imbestigador.
Gamit ang sarili niyang dugo, nagawa pang isulat ng biktima sa sahig ang salitang “KEYUNG” na umano’y pangalan ng salarin.
Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na si “Keyung” o Henry Villanueva ay ang dating kontraktor sa bahay ng biktima.
Isang araw bago ang nangyaring pamamaslang, nagkaroon daw ng alitan si Aling Remedios at Keyung.
Ayon sa bagong kontraktor ni Aling Remedios, narinig daw nito sa telepono ang pakikipagtalo ng biktima sa suspek dahil sa hindi nito pagkumpleto sa pinapagawang bahay.
Dagdag pa ng saksi, nabanggit din daw sa kanya ni Aling Remedios ang pagbabanta ni Keyung matapos ang mainit nilang pagtatalo.
Gabi ng October 18, 2018, natagpuang wala nang buhay ang biktima sa kanyang bahay. Naliligo sa sariling dugo at tadtad ng saksak ang katawan.
Isang cellphone at bag na may lamang halos 300,000 ang nawawala sa crime scene.
Nagpaunlak ng panayam sa BITAG Crime Desk ang kapatid ni Keyung na si Robert Villanueva para itanggi ang bintang sa kanyang kapatid.
Sinampahan pa rin ng murder ang primary suspect na si Keyung, subalit ibinasura ito ng piskalya dahil hindi sapat ang ebidensya.
Payo ng mga otoridad, siguruhing safety ang mga kandado ng bahay. Lahat ng point of entry ng bahay tulad ng mga pinto o kahit maliit na lagusan na kayang entrada ng mga kawatan ay saraduhan.
Sakaling may pagbabanta sa buhay, agad itong ipagbigay alam sa mga otoridad.
Ang mga kahalintulad na krimen bagama’t hindi kayang i-preempt o pigilan dahil hindi ito nakatakda, malinaw ang paalala ng BITAG Multimedia Network (BMN) at ng BITAG Media Digital (BMD) – ang may sapat na kaalaman at paghahanda ay maaaring magamit laban sa sakuna.
Itinatampok ng BITAG ang mga ganitong crime stories upang kapulutan ng impormasyon at paghahanda laban sa sakuna at krimen.
Ang buong kuwento panoorin sa: https://youtu.be/odPV2WU4WpY
Recent News
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
DASMARIÑAS CITY, Cavite – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated here Wednesday, September
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.