Isang investigative documentary ang itinampok ng BITAG: Crime Desk noong 2015 kaugnay sa panloloko ng isang lending company.
“Ang ganitong typical na investment scam ay tinatalakay ng BITAG Multimedia Network (BMN) upang bigyang babala ang publiko laban sa mga manloloko at mapanlamang na modus ng mga kawatan.”
Sa Naga, Camarines Sur, isang kumpanya ang nangakong mapapalago ang pera ng sinumang investor na maglalagak sa kanila ng puhunan.
Mga dating overseas Filipino worker (OFWs) ang target ng lending company.
Sa kabuoan aabot sa isang bilyong piso ang na-scam ng kumpanyang Roco Agnabo Lending (RAL) Corporation mula sa tinatayang nasa 100 katao na nag-invest sa kumpanya.
Dalawa sa biktima na dating OFW ang nagpasaklolo sa BITAG: Crime Desk.
Isa rito ang 61 years old na si Annie Bien, isang solo parent mula sa Naga City.
Nagtrabaho siya bilang domestic helper, caregiver at baby sitter sa iba’t ibang bansa sa loob ng halos isang dekada.
Nang makauwi sa Pilipinas, nagpasya siyang ibenta ang kanyang bahay para gamiting puhunan sa negosyo.
Taong 2015, nabalitaan ni aling Annie ang investment scheme ng Roco Agnabo Lending (RAL) Corporation.
Naenganyo si aling Annie sa 5% monthly interest na pangako ng kumpanya sa bawat halagang ilalagak na investment.
Apat na beses nagpasok ng pera si aling Annie sa RAL. Sumatutal, P450,000 ang nailagak nitong investment sa lending company.
Noong mga unang buwan, maayos daw ang pasok sa kanya ng mga pinangakong interest. Pero sa mga sumunod na buwan, tumalbog na ang mga tsekeng natatanggap nito mula sa RAL.
Ganito rin ang sinapit ng isa pang OFW na si alyas “Jose”. Umabot naman ng P200,000 ang nakuhang pera sa kanya ng RAL noong December 2014.
Pagsapit ng Setyembre 2015, nagulat si Jose nang mag-abiso ang RAL Corp. na magsasara na ang kumpanya.
Mababawi pa kaya ni Aling Annie at Jose ang kanilang daan-daang libong investment sa lending company?
Ito ang tinutukan at dinokumentaryo ng programang BITAG: Crime Desk.
Panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.