Maituturing na isa sa pinakamalaking upset sa mundo ng football ang pagsipa ng Japan sa koponan ng four-time champion na Germany sa pagpapatuloy ng 2022 FIFA World Cup.
Ang Federation Internationale de Football Association (FIFA) ang pinaka-prestihiyosong torneyo ng football sa buong mundo na minsan nang pinagharian ng Germany.
Tinalo ng Japan ang Germany sa iskor na 2-1 sa opening match ng 2022 FIFA World Cup na ginanap sa Khalifa International Stadium kahapon, Nob. 23.
Sa unang sipaan, unang nakaungos ang Germany matapos matawagan ng foul ang Japanese goalkeeper na si Shuichi Gonda at umiskor via penalty si Ilkay Gundogan sa ika-33 minuto ng first half.
Agad bumawi ang Japan sa second half at pinaigting ang kanilang depensa at opensa.
Halos 15 minuto ang natitira bago matapos ang laro, nagawang umiskor ng substitute player na si Ritsu Doan ang score sa 1-1.
Makalipas ang walong minuto, muling umiskor ng goal ang Japan sa tulong din ng substitute na si Takuma Asano upang talunin ang Germany at isarado ang laro sa final score na 2-1.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.