Iimbestigahan na rin ng Senado ang reklamo ni Senador Raffy Tulfo na tinawag nitong ‘anti-poor’ na utos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ipagbawal ang bentahan ng mga imported na isda sa palengke tulad ng pampano at salmon.
Matatandaang sinabi ni Tulfo sa kanyang privilege speech na ‘discriminatory’ at ‘anti-poor’ ang utos ng BFAR dahil bukod sa swak sa panlasa ng mga Pinoy ang pampano at salmon, abot-kaya din aniya ang presyo nito.
“Mabenta ang ‘salmon’ at ‘pampano’. Bukod sa malasa na ito, abot-kaya pa sa mga mamimili. Kaya naman nangamba ang mga maliliit at kawawang mga tindera na umaasa sana sa pagkakakitaan nila sa pagtitinda ng mga isdang ito,” ani Tulfo.
Dahil dito, sinabi ni Sen. Cynthia Villar, chair ng Senate Committee on Agriculture na magpa-patawag ito ng imbestigasyon ukol sa pagbubunyag ni Tulfo.
Suportado naman ito ng mga senador tula nina Sen. Koko Pimentel, Sen. Grace Poe, at iba pa.
Ayon kay Poe, dapat manindigan ang Department of Agriculture (DA) sa isyu at tiyaking walang halong negosyo kaya ngayon lamang ipinatutupad ang ban sa mga imported na isda.
Giit naman ni Pimentel, karapatan ng publiko na mabigyan ng sapat na basehan kung bakit ipagbabawal sa mga ordinaryong mamamayan ang pagkain sa pampano at salmon, gayong abot-kaya ang presyo nito.
Alinsunod sa abiso ng BFAR, sisimulan nila ang pagkumpiska sa mga salmon at pampano sa mga palengke simula sa Linggo, Disyembre 4, alinsunod sa BFAR fisheries administrative order no. 195.
Paliwanag ng BFAR, hindi dapat inilalako sa mga pampublikong palengke ang mga isdang ito dahil para lamang ito sa mga tinatawag na institutional buyers tulad ng mga restaurant, hotel at mga kumpanyang nasa linya ng canning at processing industries.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.