Pinabulaanan ni People’s Champ Manny Pacquiao ang ibinunyag ng retiradong referee na si Carlos Padilla na “luto” o dinaya ang laban nito noon kay Nedal Hussein ng Australia, taong 2000.
“Hindi naman daya. Pinaburan lang tayo, pabor lang siguro syempre home court. As a boxer ginawa ko lang naman yung tama,” sagot ni Pacquiao sa panayam ng ABS-CBN sports.
“Ako naman boxer lang ako. Ginagawa ko lang yung trabaho ko sa taas ng ring. That’s his problem [Padilla], not mine,” giit ni Pacquiao.
Sinagot din ng trainer ni Pacquiao na si Buboy Fernandez ang pahayag ni Padilla.
Giit ni Fernandez, walang kinalaman ang kanilang kampo sa mga alegasyon ni Padilla.
“Alam naman ng tao kung sino may kasalanan diyan. Kaya naman kami sa team namin wala kaming comment. Alam niya naman eh, siya naman ang referee,” wika ng trainer ni Pacquiao.
Matatandaang nagimbal ang mundo ng boxing matapos ibunyag ni Padilla na tinulungan niya ang 8th Division World Champion na ipanalo ang kanyang laban kontra kay Hussein noong 2000.
Na-knockdown si Pacquiao sa fourth-round ng laban, pero pinatagal umano ni Padilla ang bilang upang makarekober ng maayos ang Pambansang Kamao.
Binigyan niya umano si Pacquiao ng sapat na oras upang makatayo at makarekober.
“I am a Filipino and everybody is Filipino watching the fight, so I prolong the count. I know how to do it,” pagbubunyag ni Padilla sa isang panayam na lumabas sa Youtube page ng World Boxing Council.
“When he get up I said to him, hey are you okay? — and that’s prolonging the fight,” ayon kay Padilla.
Bukod dito, pinagtakpan din daw ni Padilla ang umano’y ginawang panghe-headbutt ni Pacquiao kay Hussein sa 10th round ng laban.
Dahil sa labis na pagdurugo sa kaliwang mata ni Hussein, itinigil ang laban at idineklarang panalo si Pacquiao via technical knockout (TKO).
Samantala, naglabas ng sama ng loob si Hussein matapos nitong malaman ang mahigit dalawang dekadang sikreto ni Padilla.
“They should be held accountable for the sport we love,” giit ng Australian boxer.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.