Walang-awang pinagbabaril ng tatlong lalaki ang dalawang babae sa Brgy. Talisay, Tiaong, Quezon noong Martes ng gabi, Nob. 29, dahil sa selos.
Ayon sa Tiaong Police Station, dead-on-the-spot ang ang mga biktima na sina Jessica Prado Tambado, 28, at Lanilyn Sanchez Caya, 26.
Pinagbabaril ang mga biktima sa kanilang boarding house sa Sitio Laluses, Brgy. Talisay, Tiaong.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng hepe ng Tiaong Police na si Lt. Col. Marlon Cabata-a na posibleng ‘love triangle’ at selos ang motibo sa pamamaslang.
Agad nagsagawa ng hot-pursuit operation ang Tiaong Police Station at mabilis na naaresto ang mga suspek na nakilalang sina Totie Garcia Laigo, 64; Danny Cordero De Guzman, 39, at Randy Andal Malabanan.
Narekober sa mga suspek ang Glock .40 pistol, colt gold model caliber .45 at ang ginamit na getaway car.
Ayon kay Cabata-a, love triangle at selos ang tinitignang anggulo kung bakit pinatay ang dalawang babae.
Dagdag ni Cabata-a, lumalabas sa imbestigasyon na may ‘bawal na relasyon’ ang isa sa biktima at ang suspek na si Totie Laigo.
“Nagselos si Laigo nang malaman niyang may kasamang ibang lalaki si Caya at nalaman din ng suspek na milyun-milyong pera at ipinagkatiwalang ari-arian ang ginastos nito kay Caya,” wika ni Cabata-a.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.