Hindi na itutuloy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkumpiska sa mga imported na isda sa mga pampublikong palengke, ito’y matapos suspindihin ng ahensya ang nauna nitong direktiba na magpatupad ng crackdown simula sana bukas, Dec. 4 – araw ng Linggo.
Inanunsyo kahapon ni BFAR officer-in-charge Demosthenes Escoto sa #LagingHanda: Public Briefing na pag-aaralan muna nila ang pag-ban sa mga imported na isda tulad ng Pampano, Pink Salmon, at iba pa.
Naglabas ang BFAR ng moratorium sa Fisheries Administrative Order (FAO) No. 195. Ibig sabihin, mabibili pa rin ng mga Pinoy ang Pampano at Salmon sa mga pampublikong palengke.
Pumatok ang salmon at pompano sa mga pobreng Pinoy dahil bukod sa mas malasa ito kumpara sa ibang isda, abot-kaya rin ang presyo nito kumpara sa mga locally harvested na isda.
Ito rin ang naging argumento ni Senador Raffy Tulfo na unang kumontra sa direktiba ng BFAR na ipagbawal ang pagbebenta ng mga ganitong isda sa pampublikong pamilihan.
Binatikos ni Tulfo ang argumento ng BFAR na pwedeng ibenta ang mga imported na isda sa palengke dahil good for consumption lamang ito sa mga exclusive na restaurants at hotel.
Buwelta ni Tulfo, malinaw na ‘anti poor’ at ‘discriminatory’ ang kautusang ito ng BFAR dahil pinagkakaitan ang mga ordinaryong Pinoy na mag-ulam ng masarap na isda — na kung tutuusin aniya ay mas swak pa sa hapit na budget ng mga Filipino.
Dahil sa moratorium, nilinaw ng BFAR na ‘status quo’ muna ang crackdown sa mga imported na isda habang pinag-aaralan pa nila ang epekto nito sa publiko.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.