Ang espiritu ng alak, hindi mo alam saan ka dadalhin. Maari ka nitong dalhin sa bitag ng kapahamakan o sa bitag ng kahihiyan.
Taong 2009 nakarating sa BITAG ang sumbong ng mga residente ng Caloocan City matapos ang ginawang pag iskandalo ng isang lasing na pulis.
Kwento ng mga nagrereklamo, dahil sa sobra umanong lango sa espiritu ng alak ang pulis, nagpaputok daw ito ng baril na agad naman daw naawat ng ibang residente.
Pero ang ibang mga tambay, hindi na napigilan ang sarili at pinagtulungan bugbugin ang nagwalang pulis at naagaw pa ang kanyang service firearm.
At tanging kay BITAG lang daw nila gusto i-surrender ang baril.
“What?! Nakuha niyo ang baril? Paano nangyari ito? ” ito ang inisyal na reaksyon ni BITAG sa sumbong na ito.
Ayon sa mga residente isu-surrender nila ang baril dahil sa takot para kanilang buhay.
“Ang sinabi po kapag hindi po nilabas ang baril, dadamputin daw po ‘yon, hindi na daw dadalhin sa presinto, isa-salvage na daw po.” ayon sa isang residente.
“Habang tumatagal ang baril na yan, dapat hindi nyo tinatago kung hindi pwedeng pagnanakaw yan! Kaya dapat ngayon mismo i-surrender nyo yan, ora mismo! Sagot niBITAG.
Sa kanyang programang BITAG Live, ipinakita ni Ben Tulfo ang sinurender na baril.
“Sino sa Caloocan police ang nawalan ng baril na inagawan, naospital at nabugbog daw dahil sa kayabangan? Gusto ko umupo ka dito magpaliwanag ka kung hindi, surrender namin sa Kampo Crame ito.” panawagan ni BITAG.
Matapos nga ang panawagan ito ni BITAG, kinabukasan din, personal nagpakita ang pulis na may-ari ng baril.
Bakas pa sa kanyang mukha ang bugbog ng mga taumbayan.
Panoorin ang naging paliwanag ng pulis.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.