Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 74-years old na lola sa Oroquieta City, Misamis Occidental dahil matapos pagnakawan, binugbog pa ito ng salarin at inuntog ang mukha sa semento.
Sa imbestigasyon ng Oroquieta Police Station, hinoldap ang biktimang si Nellie Mendoza, 74, ng motor-cab driver na si Arce Fernandez Jr., 30.
Nagpanggap umanong nasiraan ng motor ang suspek, pero nang makalapit ang matanda sa driver ay agad hinablot ang dala nitong sling bag na may lamang pera at mga gamit.
Ayon kay PSSg. Sunny Jun Tagaloguin, imbestigador ng kaso, pumiglas daw ang matanda ng hablutin ang kanyang bag pero binuweltahan ito ng suspek at pinagsusuntok siya sa sikmura at inuntog pa ang mukha sa semento.
Nagsagawa ng follow up operation ang Oroquieta Police at agad nadakip ang suspek.
Katwiran ng suspek, nagipit lamang umano siya kaya nagawa ang pangho-holdap sa matanda.
Kakasuhan si Fernandez ng robbery with frustrated homicide, habang ang biktima naman ay dinala sa pinakamalapit na ospital.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.