“MARIJUANA” GAGAMITING GAMOT: ‘DI PA TAYO READY D’YAN – SENATORS
Ilang senador ang nagpahayag ng pangamba sa minamadaling pagsasabatas sa legalization ng ‘medical cannabis’ sa Pilipinas.
Ayon kay Senador Jinggoy Estrada, baka maabuso ang medical cannabis kung wala itong malakas na guidelines kaya kailangang dumaan sa matinding pag-aaral.
Bagama’t mayroon na aniyang mga bansa na gumagamit ng medical cannabis, kailangan pa rin itong pag-aralan kung aakma sa kondisyon at kultura ng Pilipinas.
Sa pagsasaliksik ng BITAG Media Digital, nabatid na ang medical cannabis ay paggamit sa halaman na kung tawagin ay Hemp na ang scientific name ay Cannabis Sativa na isa ring sangkap na ginagawang Marijuana.
Sa depinisyon ng Canada-based Federal non-profit organization na LegaLline.ca, ang marijuana at cannabis ay walang pinagkaiba sa description.
“Generally, there is no difference between marijuana and cannabis and the two terms are often used to describe the same thing. Cannabis describes cannabis products in general. Marijuana specifically refers to cannabis products that are made from the dried flowers, leaves, stems and seeds of the cannabis plant,” ayon sa grupo.
Sa Pilipinas, isinusulong ng mga mambabatas sa ilalim ng Senate Bill 230 o ang “Medical Cannabis Compassionate Access” o ang pagsasabatas sa legalization ng medical cannabis bilang alternatibong gamot sa iba’t ibang sakit.
Ayon sa grupong Cannahopefuls Inc. na pinamumunuan ni Dr. Dinnabel Trias-Cunanan, malaki ang maitutulong ng mga cannabis-based products bilang gamot sa epilepsy at cerebral palsy.
Sa ilalim ng SB 230, papayagan ang paggamit ng cannabis-based treatment at supplements bilang gamot sa mga sakit gaya ng cancer, glaucoma, epilepsy, human immunodeficiency virus (HIV), acquired immune deficiency syndrome (AIDS), Rheumatoid arthritis, Sleep disorders, Mood disorders, at iba pa.
Para kay Senador Nancy Binay, nais muna nitong isailalim sa mas masusing pag-aaral ang paggamit ng medical cannabis bilang alternative treatment sa bansa.
Mahalaga aniya na mapakinggan ang lahat ng sektor at balansehin ang mga pros at cons ng panukala tulad ng opinyon mula sa mga doktor at testimonya ng mga pasyente, government regulations, at iba pang stakeholders.
Recent News
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
A bettor from Balagas, Batangas City won ₱46,546,547.80 in the Lotto 6/42 drawn last October
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.