Binigyan ng second chance ang career ng tinaguriang ‘bad boy’ collegiate cager na si John Amores matapos itong sungkitin ng Zamboanga Valientes para sa kanilang kampanya sa ASEAN Basketball League (ABL) sa susunod na taon.
Ayon sa general manager ng Valientes na si Nino Rejhi Natividad, deserving ang ex-JRU Heavy Bomber cager na mabigyan ng pangalawang pagkakataon para patunayan ang kanyang sarili sa hardcourt.
“We at Valientes believe in second chances. He is a good player who made a mistake in which he truly regrets,” ani Natividad.
Pinatawan ng indefinite ban ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) si Amores matapos pagsasapakin ang ilang player ng College of St. Benilde (CSB) sa kanilang game noong Nobyembre 8.
Sinibak din ng Jose Rizal University si Amores sa Heavy Bombers at sinuspinde sa kanyang mga klase.
Bukod dito, kinasuhan din ang ex-collegiate player ng serious physical injury ng dalawang manlalaro ng Blazers na sina Jimboy Pasturan at Taine Davis.
May nakabinbin ding physical injury case si Amores na isinampa noon ni Mark Gil Belmonte ng University of the Philippines (UP) dahil sa pisikalan sa laro noong Hulyo.
Sa kabila nito, naniniwala ang Zamboanga Valientes na malaki ang maitutulong ni Amores sa kanilang koponan lalo’t n ag-a-average ito ng 9.0 points, 4.3 rebounds at 1.2 assist sa NCAA.
“One mistake does not define who you are. Tingin namin, makakatulong siya sa team lalo na sa defense at outside shooting niya. Aabangan natin ang pag-angat ni Amores sa Valientes,” giit ni Natividad.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.