Maliban sa krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa pandaigdigang pandemya dulot ng Covid-19, patuloy na ginu-gupo ng sakit na TB o tuberculosis ang maraming Filipino, ayon sa isang eksperto.
Sa Laging Handa Public Briefing, ibinabala ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na hanggat nananatili ang kahirapan ay mananatili ang pakikipagbuno ng mga tao sa sakit na TB.
Isa ang sakit na TB sa matagal nang suliranin ng maraming Filipino, lalo pa’t kasama ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming TB cases sa buong mundo.
Paliwanag ni Solante, mas mabilis kumalat ang sakit na ito kung matindi ang kahirapan dahil sa dikit-dikit at maruming komunidad.
Hangga’t hindi aniya natutugunan ang kahirapan, malabong masolusyonan ang pagdami ng TB cases sa bansa.
Base sa datos ni Solante, nasa Top 5 ang Pilipinas sa mga bansang multi-drug resistant sa tuberculosis dahil marami sa mga Filipino ang hindi tinatapos ang anim na buwang gamutan.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.