Sa social media raw nag-umpisa ang pagkakaibaigan nina Gleemar De Leon, bente-sais anyos, isang mekaniko mula Valenzuela City at ng dalagang si Jolina Calpito, bente dos anyos.
Taong 2017 nang magbunits at isilang ni Jolina ang kanilang panganay na anak, isang sanggol na babae.
Nagdoble kayod si Gleemar para matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang mag-ina. Ang kanyang araw, maagang nag-uumpisa para magtrabaho.
Sa tuwing nasa trabaho si Gleemar, naiiwan daw sina Jolina at ang kanilang baby sa kanilang bahay.
Ngunit noong August 11, 2018, malamig na bangkay na nang datnan ni Gleemar De Leon ang kanyang mag-ina sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Ugong, Valenzuela City.
“Pagkabuklat ko nga ng kutson dun ko nakita sila na wala ng buhay. Bale yung istura ng mag-ina ko, yung asawa ko nakatagilid siya akala mo tulog lang tapos yung anak ko nakadapa sa may ulohan niya” kwento ni Gleemar De Leon sa BITAG Crime Desk.
Agad daw rumesponde ang mga awtoridad ng Valenzuela Police Station.
Sa gitna ng pag-iimbestiga ng kapulisan sa crime scene, napansin daw nila ang isang babaeng umiiyak. Kinilala ito bilang si Mary Ann Dupilas, matalik na kaibigan ng biktimang si Jolina.
Inamin agad ni Mary Ann na ang kanyang kapatid na si Lofferian Dupilas ang responsible sa krime.
Pinasok ni Lofferian ang bahay ng walang kalaban-labang mag-ina at sa kwarto sa ikalawang palapag ng tahanan pinagsasaksak ni Lofferian si Jolina.
“maliwanag na nagkaroon ng struggle sa taas nung bahay, so sinundan niya yung mag-ina at nung tinamaan niya ng sunod sunod na saksak, nagawa pa niya itong gahasain pa” ani ng imbestigador ng kaso.
Samantala, nagkaroon ng pagkakataon ang BITAG Crime Desk na makausap ang ang ina ng suspek na si Lofferian.
Si Lofferian ay panganay sa apat na magkakapatid at dahil bulag ang ama nito, si Lofferian daw ang katuwang ng kanyang ina sa pagtataguyod ng kanilang pamilya.
Nagtatrabaho ang binata bilang isang street sweeper sa Munisipyo ng Valenzuela at wala raw ‘ni isang criminal record.
Pero paano nga ba nagawa ng isang binatang ‘diumano’y may malinis na record sa kanilang kumunidad ang isang karumal-dumal na pamamaslang?
Ito ang tinutukan at dinokumentaryo ng programang BITAG: Crime Desk.
Panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.