Sisimulan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang SIM Card registration sa huling Martes ng buwan, Disyembre 27, 2022.
Ayon sa implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11934 o ang SIM Card Registration Act, ang mga hindi maire-rehistro na SIM card ay pansamantalang putol ang linya hangga’t hindi ito nairerehistro sa NTC.
Simula Disyembre 27, mga ‘deactivated mode’ SIM cards o hindi pa aktibong linya ang ilalabas at ibebenta ng mga telephone companies (Telcos) at mga public telecommunications entities (PTEs).
Bibigyan lamang ng 180-days o anim na buwan ang mga subscriber para irehistro ang kanilang mga Subscriber Identity Module Card o SIM Card simula sa araw na naging ganap na batas ang RA 11934 noong Oktubre 10, 2022.
Pero base sa IRR ng NTC, bibigyan pa ng hanggang 120-days o apat na buwang palugit ang SIM card registration kapag lumagpas na ito sa 180-days.
NARITO ANG STEP-BY-STEP NA PROSESO NG SIM CARD REGISTRATION:
New users;
Ang mga SIM card, embedded SIMs, broadband modem, at mga internet-of-things devices na bibilhin pag-lagpas ng December 27 ay awtomatikong nasa ‘deactivated mode’.
Ayon sa NTC, libre ang registration at magpapadala ng link o platform ang mga Telcos sa kanilang mga subscriber para makapasok sa kanilang system sa website.
Ang mga basic information na kakailanganin sa registration ay:
Negosyo o organisasyon;
Foreigners;
Ang SIM card ng mga turista ay mayroon lamang 30 days validity.
Awtomatiko itong puputulan ng linya paglagpas ng isang buwan. Maaari itong i-xtend sakaling magpakita ng visa extension.
Minors;
Ang mga menor-de-edad o wala pa sa hustong gulang ay kailangang irehistro ang kanilang SIM sa pangalan ng magulang o guardian.
Kailangan nilang magsumite ng;
Prepaid subscribers;
Postpaid subscribers;
Kailangang kontakin ang Telco provider para sa confirmation ng iyong personal at data information. Magpapadala rin ang mga Telcos ng link sa pamamagitan ng website platform para sa confirmation.
PARUSA o PENALTY:
Bukod sa P300,000 na multa sa mga subscribers na hindi magrerehistro ng SIM Card, papatawan din ng hanggang P1 milyon ang Telephone Company (Telco) na hindi magre-rehistro ng kanilang mga subscribers.
Maaaring makulong ng hanggang dalawang taon at multang P300,000 ang mga subscribers na magbibigay ng pekeng impormasyon sa NTC.
Hanggang anim na taon na kulong naman at multang P300,000 ang parusa sa sa mga magbebenta, magnanakaw o maglilipat ng SIM card sa ibang tao.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.