Lumapit sa Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo ang 1st year college student na si May Ann Yubal.
Nag-aaral Si May Ann ng kursong Bachelor of Science in Tourism Management sa Aim High Colleges Incorporated sa Zamboanga Sibugay.
Inirereklamo ni May Ann ang pamamahiya na kanyang natanggap sa loob mismo ng eskwelahan.
“Nagpasama yung kaklase ko na kumuha ng enrollment form, nakasuot lang po ako ng simple white T-shirt at naka jogger po na marron, pinapasok po kami ng guard” kwento ni May Ann.
“Napansin po ako ng guro, ang sabi niya, bakit daw ganyan yung suot ko, hindi man lang daw ako mahiyang pumasok sa eskwelahan, dugyot daw po ako at mukhang chimay daw po ako, sir” dagdag pa ni May Ann sa BITAG.
Ang mga paninita at panlalait, sinabi umano ng propesor sa harap ng ibang teacher at mga estudyante.
“Mahirap lang po kami sir, kaya nga po kami nag-aaral sir para makatulong kay Mama at Papa.”
Hindi nagustuhan ng host na si Mr. Ben Tulfo ang pinagsasabi ng propesor base sa sumbong ni May Ann. Matatawag daw na itong diskriminasyon sa estudyante.
“Ayaw na ayaw ko yung salitang ’chimay” mariing pahayag ni Tulfo.
Panoorin ang buong imbestigasyon ng Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo:
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.