Isang malungkot na araw para sa mga pulahang grupo at mga tagasunod ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang pagpanaw ng founding chairman at tinitingala na ama ng mga komunistang grupo sa Pilipinas na si Jose Ma. “Joma” Canlas Sison.
Inanunsyo ni CPP chief information officer Marco Valbuena sa official website ng CPP na Philippine Revolutionary Web Central (PRWC) ang pagpanaw ni Joma sa edad na 83.
Nalagutan ng hininga si Joma dakong alas-8:40 ng gabi noong Biyernes (Philippine time), Dec. 16, habang ito ay nakaratay sa isang ospital sa The Netherlands.
“The Filipino proletariat and toiling people grieve the death of their teacher and guiding light. The entire Communist Party of the Philippines gives the highest possible tribute to its founding chairman, great Marxist-Leninist-Maoist thinker, patriot, internationalist, and revolutionary leader,” ani Valbueba sa kanyang anunsyo sa PRWC, Sabado ng umaga, Dec. 17.
Si Joma ay naka self-exile sa The Netherlands. Bagaman hindi pa kinukumpirma ang sanhi ng kamatayan ng CPP founder, binanggit ni Valbuena na naka-confine si Joma sa isang ospital sa The Netherlands ng dalawang linggo bago ito binawian ng buhay.
Ayon kay Valbuena, ang paglisan ni Joma ay hindi nangangahulugan na patay na rin ang mga simulain at adhikain ng Kilusang Komunista ng Pilipinas.
Ang malungkot na araw ng CPP aniya ay magiging hudyat ng pagbubuklod at pagpapalakas sa diwa at simulain ng pwersang rebolusyonaryo sa bansa.
“Even as we mourn, we vow [to] continue to give all our strength and determination to carry the revolution forward guided by the memory and teachings of the people’s beloved Ka Joma. Let the immortal revolutionary spirit of Ka Joma live on,” wika ni Valbuena.
Itinatag ni Joma Sison ang CPP noong Disyembre 26, 1968 sa hangarin na pangunahan ang social revolution sa Pilipinas sa pamamagitan ng ‘line of march’ o linya ng pakikibaka ng pilosopiyang Marxismo, Leninismo, at Maoismo.
Sa pag-usbong ng salin-lahing pakikibaka ng masa, itinatag ng CPP ang kanyang pulang armadong grupo sa ilalim ng liderato ng New People’s Army (NPA).
Pinalakas din ni Joma ang kanilang ugnayang politikal sa pamamagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
“The entire Communist Party of the Philippines gives the highest possible tribute to its founding chairman, great Marxist-Leninist-Maoist thinker, patriot, internationalist and revolutionary leader,” giit ni Valbuena.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.