Habang papalapit ng papalapit ang kapaskuhan, asahan ang pagtaas ng bilang ng iba’t ibang krimen sa bansa.
At isa na nga sa mga krimen na binabantayan ngayon ng mga kapulisan, ang modus ng BASAG-KOTSE GANG.
Taong 2008, eksklusibong inimbitahan ang BITAG ng mga operatiba ng Quezon City Police District-Anti Carnapping Division (QCPD-ANCAR).
Ang imbitasyon ay para idokumento ang operasyong ikinakasa ng mga operatiba laban sa isang kilabot na basag-kotse robbery gang.
Ayon sa QCPD-ANCAR, ang grupong ito ay notorious na kumikilos sa Quezon City, Mandaluyong, Pasig at maging sa mga probinsya ng Laguna, Cavite, Tagaytay at Rizal.
Nasundan ng QCPD-ANCAR ang kilos at galaw ng sindikato matapos maplakahan ng isa sa mga biktima ang getaway vehicle ng sindikato.
Natrace ng mga operatiba ang sasakyan ng notoryus na grupo.
Nang puntahan ito ng QCPD-ANCAR at BITAG, napag-alaman na isang mag-asawa mula sa Tanay, Rizal ang nagmamay-ari ng sasakyan.
Ayon sa mag-asawa, pinarentahan nila sa isang grupo ang kanilang sasakyan at lingid sa kanilang kaalaman gagamitin pala ito ng sindikato sa kanilang krimen.
Panoorin ang maaksyong pagtugis ng BITAG at QCPD-ANCAR sa kilabot na BASAG KOTSE GANG!
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.