Isang online lending application (OLA) na ang nasampolan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) sa lungsod ng Maynila, pero marami pa ang susunod na mabibitag ayon sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, ang investigative public service program ng BITAG Multimedia Network (BMN).
Sa news and analysis program na BITAG Live! ng veteran media personality na si Ben “BITAG” Tulfo, binalaan nito ang mga bastos, arogante, nananakot at mga namamahiyang kolektor ng online lending apps.
Ayon kay BITAG, patikim pa lamang ang ginawang pagsalakay ng Eastern Police District Anti-Crime Group (EPD-ACG) sa opisina ng Suncash Lending Investors Corporation sa Sampaloc, Maynila na isinagawa noong nakaraang linggo para bigyang babala ang iba pang mga nananakot at namamahiyang lending collectors.
Marami nang reklamo ng pamamahiya at pananakot sa mga kliyente ng OLA ang hinawakan at inaksyunan ng #ipaBITAGmo. Isa rito ang sumbong ng empleyado ng Davao City Hall na si Roseville Montaire.
Ipinadala ni Montaire sa #ipaBITAGmo ang aktuwal na audio recording ng panggigipit, pagmumura, pamamahiya at pananakot sa kanya ng isang Suncash online lending collector.
Ikinasa ng EPD-ACG kasama ang BITAG Multimedia Network ang isang operasyon para tuldukan ang pambu-brusko ng Suncash sa kanilang mga kliyente.
Dalawang buwang minanmanan ng EPD-ACG ang operasyon ng Suncash dahil sa sumbong ng sampung biktima na nakaranas ng panggigipit at pananakot mula sa mga arogante at siga-sigaang credit collector ng kumpanya.
Matagumpay na naisagawa ng EPD-ACG noong December 9, 2022 ang undercover operation kasama ang investigative team ng BITAG.
Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Karla Regina Valera-Chua ng Makati City Regional Trial Court (RTC), binitbit ng operatiba ang 83 staff at opisyal ng Suncash Lending at dinala sa Camp Crame.
Nagbigay din ng P50,000 pabuya ang BITAG Multimedia Network sa mga tauhan ng EPD-ACG sa matagumpay na pagbuwag sa operasyon ng Suncash Lending Investors Corp.
Babala ni BITAG sa mga arogante, bastos at mga nananakot na online lending agencies, “Maluwag pa ang kulungan…. marami pa ang mga susunod na ma-sa-sakote!”
Ang maaksyong pagtutok at pag-aksyon ng long running investigative public service program na Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.