Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi ka-kapusin ng suplay ng bigas ang bansa hanggang sa susunod na taon.
Ito ang paglilinaw ng kagawaran sa harap ng pangamba ng ilang grupo ng magsasaka na baka magkaroon ng rice shortage sa 2023 dahil sa numinipis na buffer stock ng bigas ng National Food Authority (NFA).
Naglabas ng ganitong agam-agam ang mga magsasaka dahil maraming namumuhunan sa bukid ang umaaray na rin sa mataas na presyo ng binhi at pataba, habang hindi naman umano tumataas ang bentahan ng palay sa merkado.
Pero ayon sa DA, bagamat may pagbaba ng produksyon ng palay ngayong taon, kumpiyansa ang kagawaran na maka-re-rekober ang mga magsasaka dahil seryoso si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pondohan ng malaki ang pagpapabuti sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay DA Undersecretary Domingo Panganiban, 40% ang inaasahang dagdag sa pondo ng kagawaran sa susunod na taon para sa mga nakahanay na proyekto at programa ng pamahalaan sa agricultural sector, kasama na rito ang pagbili ng mga pataba at binhi na ipamimigay sa mga magsasaka.
Sa pagtaya ni Panganiban, hindi pa gaanong apektado ang supply ng bigas pagpasok ng unang bahagi ng 2023, kaya walang dahilan para mag-angkat ang Pilipinas ng malaking volume ng bigas sa ibang bansa.
Katunayan, maraming sakahan pa umano ang hindi pa nakaka-ani ng palay kaya’t kumpiyansa ang kagawaran na hindi magkakaroon ng rice shortage sa susunod na taon.
Recent News
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.