Subalit, kumpara sa iba ay tila sumobra ang pagmamahal ni Rosebel sa kape. Aniya, umaabot hanggang walong tasa ang kaya niyang inumin sa isang araw.
Ang resulta, nagsimula na raw makaramdam si Rosebel ng labis na pangangasim ng sikmura, paninikip ng dibdib at pagsusuka.
Nang magpakonsulta sa doktor ay napag alaman niyang siya ay may gastroesophageal reflux disease o GERD.
“Umaakyat po yung acid sa dibdib ko hindi na ako makahinga, tapos nagpa-palpitate po ako tapos nanginginig po ako. Nahihilo rin po ako tapos parang mahihimatay ako,” saad ni Rosebel.
Ano nga ba ang GERD? May kinalaman ba ang labis na pag inom ni Rosebel ng kape sa kanyang mga nararamdaman?
Sa panayam ng BMD sa isang gastroenterologist na si Dr. Noreen De Leon, ang GERD ay isang kondisyon kung saan lumuluwag ang bukana sa pagitan ng esophagus at stomach.
Kadalasang nakakaranas ng heartburn ang isang pasyenteng may GERD dulot ng pag akyat ng acid sa esophagus.
Base sa pag aaral, ang acid content ng kape ay nasa pagitan ng 4 at 5 sa pH scale kaya naman maituturing itong acidic.
Iilan din sa mga maaaring makapagsanhi ng acid reflux bukod sa kape ay pag inom ng softdrinks, pagkain ng maaanghang at maaasim, ganundin ang paninigarilyo.
“Pwede kasi silang mag-cause ng further relaxation o pagluwag nung tinatawag nating sphincter na maaring lalong makapagdulot ng nararamdaman nung taong may GERD,” wika ni Dr. De Leon.
Kapag napabayaan daw ang hyperacidity, maaari itong humantong sa isang seryosong kondisyon tulad ng Barrett’s esophagus kung saan nagkakaroon ng abnormal cells ang lining ng esophagus.
“Maaaring magasgas at magbleed ang lining ng esophagus kapag malalim ang sugat. Kalaunan,maaaring magdevelop ng Barrett’s esophagus na high risk magdevelop ng cancer sa esophagus,” ani Dr. De Leon.
Kaya naman payo ng espesyalista sa mga coffee lover, hinay hinay lang sa pag inom ng kape gayundin sa iba pang mga nabanggit na maaaring makapagdulot ng hyperacidity.
“Limitahan ang coffee intake to 1-2 cups a day. Pangalawa, bawasan ang timbang kung kayo ay overweight dahil nakakadagdag din ito sa acid reflux,” payo ng doktor.
Recent News
Mandaluyong City – A stay-at-home mother from General Trias, Cavite, has claimed the P19,033,913.00 jackpot
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.