Hustisya ang panawagan ng 56 years old na si Ruby Campillanos matapos siyang mahusgahan at laitin sa social media ng kanyang kapitbahay at ng isang albularyo.
Si Ruby ay may visual disability kaya patuloy siyang umiinom ng maintenance at gamot para sa namamagang ugat sa likod ng kanyang mata.
Wala raw kamalay-malay si Ruby na pinagpi-pyestahan na pala siya at kaniyang pamilya sa social media.
Isang albularyo umano ang nag-Facebook Live habang ginagamot ang kaniyang kapitbahay na si Melanie Nito.
Ang kapit-bahay na si Melanie ang sinanglaan ni Ruby ng lupa dahil sa kakulangan ng pambili ng gamot at iba pang medikal na pangangailangan.
Sa FB Live daw ng albularyo na nakaupload pa sa Facebook page nito, pinangalanan daw si Ruby bilang isang “asawang” na sumanib kay Melanie, dahilan kaya daw sumama ang pakiramdam nito.
Bukod sa napahiya daw ang pamilya ni Ruby ay nakakatanggap daw sila ng mga pananakot mula sa kapitbahay.
“Hindi po ako aswang o ang aking pamilya. Lumapit po ako sa BITAG para makasuhan at managot ang albularyo at si Melanie na sumira sa aming pangalan” paliwanag ni Ruby sa programa ng BITAG.
Maaari nga bang kasuhan o mapanagot ang albularyo at ang kapitbahay na si Melanie dahil sa pagtawag na “aswang” kay Ruby at kaniyang pamilya?
Panoorin ang buong imbestigasyon ng BITAG sa reklamo ni Ruby:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.