Hanggang sa ngayon ay patuloy na namamayagpag ang underground industry sa likod ng pagpapakalat ng counterfeit o fake money.
Sa kabila ng mga pagdagdag ng Banko Sentral ng Pilipinas ng mga safety features sa ating mga salapi, sumasabay rin ang mga malikhaing sindikato na nasa likod ng pamemeke.
Lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan, mas aktibo at agresibo ang mga dorobong nasa likod nito.
Sinisingit nila ang mga pekeng pera sa orihinal, sa mga transaksyon at pamimili upang hindi mahalata.
Maka ilang beses na ding nagsagawa ng operasyon ang BITAG kasama ang mga operatiba upang tuldukan ang mga sindikatong nasa likod ng fake money.
Unang beses ay noong taong 2004 kung saan natimbog ng BITAG ang grupong nasa likod ng pekeng 500 peso bill sa Recto, Manila.
Sa tulong ng isang miyembro ng sindikatong ikinanta ang kanilang aktibidades, umabot ng tatlong linggo ang undercover operation ng BITAG.
Makailang beses nakabili ang mga BITAG undercover ng pekeng P500 bill sa grupo. Noong mga panahong ‘yun, si yumaong Ninoy Aquino pa ang mukha ng P500.
Kumpirmado ang impormasyon ng tipster, nabibili ang mga pekeng 500 pesos sa halagang P200 bawat piraso.
Sa pakikipag ugnayan noon ng BITAG sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), agad sinuri ang mga P500 bill na nabili ng mga undercover sa Recto.
Sa kumpirmasyon ng BSP, inihanda ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) ang isang ‘‘entrapment operation’’.
Panoorin kung paano nahulog sa BITAG ang unang sindikato ng fake money!
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.