Madalas na takbuhan ng mga pamilya ng mga kababayan nating Overseas Filipino Workers ang mga Money Changer upang magpapalit ng kanilang foreign currency.
Subalit sa pagpasok ng makabagong sistema at teknolohiya tulad ng online banking, money transfer at iba pa, naging mabilis na ang pagpapadala, pagta-transfer at mismong exchange ng mga banyagang salapi.
Taong 2008, panahong wala pang teknolohiya na online banking, lantaran pa ang modus ng mga manggagantso at manlolokong Money Changer sa Lungsod ng Maynila, partikular na sa Ermita.
Sila ang kadalasang nag-aalok ng mas mataas na halaga ng palitan upang maka-engganyo ng mga kostumer.
Subalit lingid sa kaalaman ng kostumer, kayang-kayang bawasan ng mga teller ang perang pinapalit. Gamit ang estilong “pitik,” hindi mo malalamang bawas na ang iyong pera.
Ang modus, sa umpisa ay bibilangin ng teller sa harapan ng kanilang kliyente ang perang kanyang pinapapalit.
Ikalawa, ipapaulit nila ang pagbibilang sa nasabing kostumer. Ikatlo, bibilangin muli ng teller ang pera. Mula una hanggang ikatlong bilang, sakto pa ang bilang ng perang palitan.
Subalit, kapag sa huling bahagi kung saan iaabot na ang pera sa kostumer, dito na gumagana ang mga mahikerong tellers.
Patagong hinuhulog sa sahig ang pera, dahilan para mabawasan ang perang kukunin ng kostumer.
Sa pag-iimbestiga ng BITAG, malakas ang loob ng ilang mga money changers na ito dahil konektado sila sa mga tiwaling pulis noon.
Sa pakikipag-ugnayan ng BITAG sa Anti Money Laundering Council (AMLAC) ng Banko Sentral ng Pilipinas, inihanda ang isang operasyon na bumitag sa mga dorobong money changer.
Ang aktuwal na pambubulabog sa mga money changer’s sa Ermita, Manila, panoorin sa BITAG CLASSIC operation na ito:
Recent News
Mandaluyong City – A stay-at-home mother from General Trias, Cavite, has claimed the P19,033,913.00 jackpot
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.