Bilang isang contractor at designer ng bahay, mahalaga para kay Danny Asercion na palaging nabibisita at iniinspeksyon ang kanyang mga projects.
Subalit, kapag umaatake na daw ang kanyang gout sa tuhod, kailangan na daw niyang gumamit ng baston at wheelchair.
Sa sobrang tindi ng sakit halos hindi na daw niya maigalaw at mailakad ang kanyang mga paa.
“Pumupunta pa din ako sa mga project namin kahit sobra sakit ng gout ko, kaso hindi ako makakaakyat sa 2nd floor o 3rd floor ‘di ko kakayanin yun dahil sa sobrang sakit, ang ginagawa ko nalang pinapa-video ko sa tauhan ko yung loob ng bahay para mamonitor ko ang mga gawa.”
Kwento pa ni Danny sa “Totoo” segment ng Bitag Live, kada dalawang buwan daw siyang kung bumisita sa kanyang doktor para ipatingin ang kanyang namamagang tuhod dulot ng gout.
Aminado si Danny na hindi na maganda ang kanyang eating habit.
“Ang nag-trigger dito sa gout ko sabi sa akin ng doktor ko yung lifestyle ko, yung pagkain, kasi nga ibat ibang lugar yung pinupuntahan namin madalas na nasa labas, sa mga restaurant at fast food kami kumakain.”
Ang gout ay isang uri ng arthritis o rayuma kung saan ang naging sanhi nito ay ang mataas na uric acid.
Naiipon ang uric acid sa mga kasukasuan o joints ng mga daliri ng paa, kamay at tuhod na nagdudulot ng labis na pamamaga at pananakit.
Ayon sa isang espesyalista, dalawa ang maaaring panggalingan ng gout.
Una, ay sa lahi o namana sa mga magulang. Ikalawa, pagkain ng may matataas na uric acid gaya ng laman loob (bituka, atay, utak, puso at kidneys), mga seafoods at ilang mga gulay gaya ng asparagus, cauliflower, mushroom at spinach.
Dagdag ng mga espesyalista, pangunahing nagbibigay daw ng mataas na uric acid ay ang pag-inom ng beer at alak.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.