Narito ang magiging lagay ng panahon ngayong maghapon ng Huwebes, Disyembre 29, 2022.
Base sa Daily Weather Forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magiging maulan pa rin ang malaking bahagi ng Mindanao at Visayas dahil sa umiiral na sama ng panahon o low pressure area (LPA).
As of 4:00 pm (Dec. 28), huling namataan ang LPA sa layong 210 kilometro Silangan ng Surigao City sa Surigao Del Norte.
Magdadala ito ng masungit na panahon sa Palawan, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, CARAGA Region.
Ayon sa weather bureau, nakataas sa mga lugar na ito ang posibilidad ng flashflood o pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa mahina hanggang sa malalakas na pag-ulan.
Ang nalalabing bahagi naman ng Mindanao ay makakaranas ng kalat-kalat hanggang sa malalakas na pag-ulan dahil sa lawiswis ng LPA at Localized Thunderstorms.
Samantala, ang bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Aurora at Quezon ay makararanas din mga pag-ambon at pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon o hanging amihan.
Ang Metro Manila naman at ang nalalabing bahagi ng Luzon, bahagyang sisikat ang haring araw pero asahan pa rin ang minsanang pag-ambon at maulap na papawirin.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.