March 2020, nang magkakilala sa social media ang OFW na si Diana Rose Balicat at si Marvin Mangoba. Nagpakilala daw si Marvin kay Diana bilang isang pulis-Taguig.
Ang pagkakaibigan nang dalawa ay nauwi sa relasyon noong June 2020. Makalipas ang isang buwan nangutang ng daw ng P15,000 si Marvin kay Diana dahil nawala raw ang wallet nito.
Sumunod na buwan ay muling nangutang si Marvin ng P12,000 dahil nagkulang naman daw ang sahod nito. Simula noon ay buwan-buwan nang nangungutang si Marvin kay Diana at dahil mahal niya ang kanyang boyfriend ay sige lang raw ang padala niya ng pera.
Hanggang umabot na ng higit P100,000 ang utang ni Marvin kay Diana. Nangako daw ang boyfriend na babayaran ang lahat ng kanyang utang sa katapusan ng taon
Ngunit ng maningil na si Diana ng utang, hindi na raw nagparamdam si Marvin at hindi na muling nakipag-usap kay Diana.
Dito na naisipan ni Diana na lumapit at sumangguni sa public service program ng BITAG.
“Ang pagkakamali ko po ay nagpiharam ako ng pera sa kanya at nagtiwala ako agad-agad” paliwang ni Diana sa BITAG.
Sinubukan tawagan ng BITAG ang cellphone number ng nagpakilalang pulis, ngunit gaya sa kwento ni Diana ay hindi na ito matawagan.
Dahil dito nag-iwan ng paalala si Mr. Ben Tulfo kay Diana na huwag basta-basta magtiwala sa mga taong nakikilala sa social media.
“Ang problema dito Diana nagmahal ka ng taong hindi totoo, kaya ginigising kita, hindi natin basta-basta mababawi ang pera mo pero gusto kitang gisingin sa hubo’t hubad na katotohanan na naloka ka. Dapat ikaw mismo ang pupukaw sa sarili mo na hindi ka na ulit maloloko” paliwang ni Mr. Ben Tulfo
“Masakit sabihing pero maaring nawalan ka ng pera pero natuto ka, may tatlong kategorya ng tao, manloloko, naloloko at taong hindi naloloko, ngayon hindi hindi ka na maloloko, Diana, kasma mo na ang tropa ng BITAG” dagdag ni Mr. Ben Tulfo.
Panoorin at matuto:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.