Marso ng taong 2022, isang siklista mula Las Piñas ang dumulog sa public service program ng BITAG.
Nasaksihan kasi ng siklista na si Bhoy Espiritu ang pagbuhos ng mainit na tubig ng isang gwardya sa isang batang pulubi.
Ayon sa kwento ni Bhoy sa BITAG, matapos niyang mag-bisikleta ay nagpahinga siya sa isang gasolinahan sa tapat ng isang mall, bigla raw siyang nakarinig ng isang malakas na sigaw mula sa isang bata.
Nang lumapit si Bhoy ay dito niya nalaman na binuhusan pala ng mainit na tubig ng guwardiya ng mall ang paa ng isang batang palaboy. Agad niya raw kinumpronta ang guwardiya sa ginawa nito.
“Nakakakilabot po yung sigaw ng bata pagtingin po namin nakita naman yung bata hawak ang kanyang binti at mayroon isang gwardya na may hawak na styro cup yung pangkape, may mga bata din doon tinanong namin, ang sabi nung mga bata binuhusan po nung security yung binti ng bata” paliwanag ni Bhoy sa BITAG.
Dagdag ni Bhoy, bilang isang ama ay nasaktan din siya sa ginawa ng security sa paslit.
Nagpakita naman ng paghanga si Mr. Ben Tulfo sa paninindigan na ginawa ni Bhoy.
“Ang kasamaan ninuman nagtatagumpay kapag tahimik lang yung mga taong matitino. Humahanga ako sayo dahil marunong kang manindigan sa tama at hindi mo tinanggap ang kasamaan, hindi biro ang ginawa mo, sumasaludo ako sayo” ayon kay Mr. Ben Tulfo.
Agad tinawagan ng BITAG ang security agency ng inirereklamong gwardya, ayon kay Benjie Duya operations manager ng Securitron Security Services Incorporated nang makarating sa kanila ang nangyaring insidente ay tinanggal agad sa duty ang gwardya.
“May anak rin ako sir kaya nung makarating sa akin ang report immediately ni-report po natin agad, mali yung ginawa niya, hindi po pwede sa agency namin ‘yun” paliwanag ng operations manager.
Paalala ng BITAG na malaki ang papel ng taumbayan para sa mga reklamo at sumbong na katulad nito. Ito ang misyon ng BITAG. turuan ang taumbayan na manindigan at ipagtanggol ang mga taong walang kakayahan na ipagtanggol ang kanilang sarili — sa pagkakataong ito ay ang mga bata.
Panoorin ang buong imbestigasyon ng BITAG sa kasong ito;
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.