April 17, 2018, natagpuang duguan at wala ng buhay ang magtiyahin na sina Maria Rosula “Rose” Paunil at Jessa Mae Baling sa loob ng kanilang condominium unit sa Mandaluyong City.
Ayon sa awtoridad, natagpuan nila ang katawan ng 40-anyos at limang buwang buntis na si Rose na nakahandusay sa gilid ng kanilang higaan.
Nakapatong naman sa ibabaw ng ginang ang labi ng 10-taong gulang na pamangkin nito na si Jessa Mae.
Ang mga biktima, tadtad daw ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.
“Si Maria Rosula nagtamo ng 10 saksak meron pa siyang laslas sa leeg tiyaka sa forehead,”ani imbestigador ng kaso na si SPO1 Gregorio Acbay ng Mandaluyong City Police.
“Then eto namang si Jessa mae, nagtamo siya ng labing dalawang saksak sa likod atsaka sa harap.”
Nakilala ng mga awtoridad ang suspek bilang ang nobyo ni Rose na si Benjamin Pardinez, 44 anyos at isang taxi driver.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, labis na selos ang nakikitang motibo ng suspek sa nagawang krimen.
“Selos ang tinitignan naming motibo sa krimen dahil may suspetiya itong suspek na may ibang lalaki itong kanyang kinakasama kaya niya nagawa ito. Base rin sa nakalap naming information seloso talaga itong si Benjamin,” wika ni SPO1 Acbay.
Sa isang panayam ng Bitag Crime Desk sa nakababatang kapatid ni Rose na si Honelyn Paunil, madalas daw saktan ni Benjamin ang kanyang kapatid sa tuwing ito’y nagseselos.
“Sinabihan na siya dati sa barangay na ipakulong na yan si Benjamin kasi binubugbog nga siya e kaso buntis, hindi niya tinuloy dahil wala naman siyang trabaho, ano raw ipapakain niya sa anak nila,” wika ni Honelyn.
Hindi naman daw akalain ni Honelyn na mauuwi sa isang malagim na krimen ang muling pagsasama nina Rose at Benjamin.
“Grabe ang sakit. Hindi ko matanggap. Gusto naming malaman bakit niya ginawa, bakit pati pamangkin ko dinamay niya? Sana maisip niya na madaming pang pangarap yung bata tsaka yung kapatid ko,” ani nito.
Balikan ang buong pangyayari sa:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.