Hindi naging madali para kay two-time MVP na si James Yap ang kanyang muling pagbabalik sa hardcourt matapos talunin ng Meralco ang Rain or Shine sa opening game ng 2023 Governor’s Cup sa Philsport Arena kahapon, Jan. 22
Maagang lumagapak sa kartadang 0-1 ang Elasto Painters matapos selyuhan ng Meralco Bolts ang panalo sa iskor na 105-87.
“Feeling ko, rookie ako,” ani Yap. “‘Yung feeling na na-feel ko before, nung 2004: kinakabahan. Di ko alam kung kaya.”
Kumamada si Yap ng 12 points sa first half ng laro kabilang ang isang buzzer beater na three point shot na nagtabla sa laban sa iskor na 54-54.
Subalit tila nahirapan nang makipagsabayan ang Elasto Painters sa mga sumunod na quarter kung saan dalawang puntos na lamang ang naiambag ni Yap hanggang sa matapos ang laro.
Ito ay matapos manghalimaw ni KJ Mcdaniels na bumuga ng 27 points at 23 rebounds para sa Meralco.
Sinundan ito ni Chris Banchero na may 17 points at Allein Maliksi, 16.
Samantala, pinangunahan naman ni Rey Nambatac ang Elasto Painters na may 21 points. 14 na puntos naman ang ambag ni Michael Qualls.
Matatandaang inalok kamakailan ng Elasto Painters ang 40-anyos na si Yap ng isang taong kontrata, pero pinili nitong lumaro lamang ng isang conference dahil sa kanyang obligasyon bilang konsehal ng San Juan City.
“I’m happy na nawelcome ako ng maayos ng fans, so thank you sa kanila at syempre kay Coach Yeng [Guiao], binigyan n’ya ako ng chance uli na makapag laro ng basketball,” wika ni Yap.
The Scores
Meralco 105 – McDaniels 27, Banchero 17, Maliksi 16, Quinto 11, Newsome 10, Hodge 8, Almazan 6, Pasaol 5, Johnson 3, Jose 2, Rios 0, Pascual 0.
Rain or Shine 87 – Nambatac 21, Qualls 14, Yap 14, Mamuyac 10, Asistio 10, Norwood 5, Nieto 3, Ponferrada 2, Clarito 2, Torres 2, Demusis 2, Belga 2, Caracut 0, Borboran 0.
Quarters: 22-24, 54-54, 81-68, 105-87.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
DASMARIÑAS CITY, Cavite – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated here Wednesday, September
Winning entries of the Philippine Amusement and Gaming Corporation’s (PAGCOR) 2024 Photography Competition are now
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.