Madaling araw ng Setyembre ng taong 2018 , natagpuan ang duguang bangkay ni Maria Kathrina Nakpil sa loob ng sarili nitong tahanan sa Cainta, Rizal.
Si Kathrina, isang medical representative ay natagpuang tadtad ng saksak sa katawan.
Sa personal na pakikipanayam ng BITAG: Crime Desk sa ina ng biktima, matalino at responsable ang kanyang panganay na anak kaya’t palaisipan sa kaniya kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.
“Tulala nalang ako. Hindi, hindi ka maiyak. Nakabukas lang ang bibig mo na na-shock ka. Sabi ko totoo ba yung narinig ko, na wala na raw yung panganay ko” ayon kay Marichelle Nakpil, ina ng biktima na isang OFW sa Japan.
Dahil sa karumal-dumal na sinapit ng anak, agad umuwi ng Pilipinas ang inang si Marichelle.
Sumentro ang imbestigasyon ng kapulisan sa kasintahan ni Kathrina na si “George”, hindi niya tunay na pangalan.
Ang kasintahang si George umano ang huling kasama ng biktima bago ito matagpuang patay. Ito rin ang unang nakadiskubre sa bangkay ni Kathrina.
Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng BITAG: Crime Desk ang kasintahan ng biktima. Ang kaniyang depensa, habang nagmamaneho siya pauwi ng araw na iyon ay magkausap daw sila sa telepono ng kasintahang si Kathrina.
Suportado daw ng isang dash cam recording mula sa kanyang sasakyan ang kanyang testimonya.
Sa patuloy na imbestigasyon at sa paghahanap ng kapulisan ng iba pang impormasyon sa naganap na krimen, isang “lead” ang tumukoy sa suspek ng pagpatay.
Ayon sa mga witness na nakausap ng mga otoridad, isang lalaki daw ang kanilang napansin na iika-ikang lumabas sa subdivision madaling araw noong September 21.
Ang nasabing lalaki, kinilalang si Jimmy Boy Maglinog, construction worker sa itinatayong gusali sa likod ng bahay ng biktima.
Nang mangyari ang pagpaslang sa biktima ay naglaho rin daw na parang bula si Jimmy Boy.
Sinong ang tunay na pumatay sa MedRep na si Kathrina? Ang kasintahang huling nakasama o ang construction worker na nagtatrabaho lamang sa likod ng Bahay ng biktima?
Panoorin ang pag-iimbestiga ng Crime Desk!
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.