Si Henry Sin, pinuno ng Central Fil-Chinese Fire Rescue and Civic Welfare Association Inc., isang fire and rescue team volunteer group ay humingi ng paglilinaw sa public service program na #ipaBITAGmo.
Ang kaniyang katanungan – tama ba na ang kanilang fire truck at rescue van ay i-tow gayung nagagamit ito sa mga sakuna hindi lang sa kanilang lugar kundi sa mga kalapit siyudad?
Bilang mga volunteers na hindi tumatanggap ng sahod sa gobyerno o walang tinatanggap na pondo sa gobyerno, tama ba na sila ay pagmultahin ng P12,000?
Sa eksklusibong panayam ng BITAG Multimedia Network kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit head Bong Nebrija, lahat ng uri ng sasakyan, mapa-pampubliko o pribado, ay walang lusot sa isinasagawang clearing operation.
Ayon kay Nebrija, binibigyang konsiderasyon ang mga volunteers lalo na ang mga emergency vehicles kung may driver na magpapakita habang nagsasagawa ng clearing sa lansangan.
Base sa protocol na sinusunod ng MMDA ay mayroong dalawang uri ng mga tino-tow na sasakyan, unattended at attended vehicle.
Ang mga unattended vehicles ay ang mga sasakyang nakapark sa kalsada na walang tao o driver. Samantala ang mga attended vehicles ay ang mga sasakyang naka-hazard o mga sasakyang nakapark na may tao o driver.
Para sa mga unattended vehicles, binibigyan ng limang (5) minuto para alisin ang nakabalandrang sasakyan. Kapag walang sumipot na driver, saka ito lalagyan ng ticket at ito-tow.
MMDA Policy: https://mmda.gov.ph/faq/20-faq/5486-towing-and-impounding-faq-updated-june-7-2022.html#:~:text=What%20is%20the%20process%20of,the%20vehicle%20will%20be%20towed
pinaparadang sasakyan para kung sakaling magkaroon ng clearing operation ay maialis agad ang sasakyan.
“Dapat magkaroon ng tamang garahe para sa inyong mga sasakyan, mapa- emergency o private vehicles man ‘yan. Bagamat malaki ang naitutulong ng mga volunteer sa ating lipunan pero mayroon pa rin tayong sinusunod na batas,” paalala ni Nebrija.
Samantala, sa live airing ng #ipaBITAGmo, kinumpirma ni Kap. Danilo Soriano, Chairman ng Brgy. Salvacion na may pahintulot niya ang papa-park ng firetruck at rescue van sa harap ng tahanan ng isa sa mga miyembro ng volunteer group.
“Malaki po ang naitutulong ng mga volunteer na ‘yan hindi lang sa aming lugar kundi sa mga kalapit namin na siyudad. Kaya sana bigyan na lang sila ng konsiderasyon,” sagot ni Kap. Soriano kay Mr. Ben Tulfo.
Kaya’t nakiusap ang program host na si Mr. Ben Tulfo sa Quezon City – Traffic and Transport Management Department na linawin ang kanilang mga regulasyon ng clearing operation sa mga volunteer group katulad kay Henry Sin.
Nangako ang ahensiya na aayusin ang problema sa pagitan ng towing company na humatak sa firetruck at rescue van ng volunteer group kasama na rito ang paghahanap ng tamang parking space para sa fire truck at rescue van ng volunteer na si henry Sin.
Panoorin ang naging buong imbestigasyon ng BITAG sa sumbong na ito:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.