Aabante sa main draw ang Filipino Tennis player na si Alex Eala matapos nitong makalusot sa qualifying rounds ng Thailand open na ginanap sa Hua Hin kahapon, Jan. 30.
Dinispatsa ng 17-anyos na si Eala ang No. 9 seed na si Kristina Dmitruk ng Belarus sa iskor na, 6-2, 7-5, sa second round ng qualifiers.
Subalit bago pa ito, una nang sinibak ni Eala sa first round ang beteranong si Xinyun Han ng China, 6-1,7-6, (7-6).
Makakalaban ni Eala ang German Tennis player na si Tatjana Maria sa main draw na may premyong $250,000 kung saan top seed si Bianca Andreescu ng Canada.
Ito ang ikatlong pagkakataon na lalaro sa main draw ang US Open girls champion sa torneyo ng Women’s Tennis Association (WTA).
Dito, nakatakdang bumawi ang Rafa Nadal Academy scholar matapos ang maagang eksit sa qualifying round ng 2023 Australian Open noong Jan. 9 kung saan tinalo siya ni Misaki Doi ng Japan.
Recent News
Mandaluyong City – A stay-at-home mother from General Trias, Cavite, has claimed the P19,033,913.00 jackpot
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.