MATAGAL na ‘to. Paulit-ulit na lang ang karahasan, pang-aabuso at pagpatay sa ilang Overseas Filipino Workers (OFW) sa Middle East lalo sa bansang Kuwait.
Sinong hindi mabubuwisit na may kababayan na naman tayong inabuso? Sinong hindi magagalit kapag nabalitaan mong may isa na namang Pinay ang pinaslang sa ibayong-dagat?
Nitong January 20 lang, natagpuan ang bangkay ng isang Pinay sa disyerto ng Kuwait. Bago pinatay at sinunog, hinalay muna ng anak ng amo ng kawawang OFW.
Ang suspek na anak ng amo, 17 years old palang manyakol na, mamamatay tao pa.
Pagkatapos, ang mga otoridad natin ay makikipag-usap lang, gagawa kuno ng kontrol at kondisyones para hindi na maulit ang pangyayari – sinong hindi maririndi?
Naniniwala ako, kinakailangan na nang total deployment ban. Kaya sang-ayon ako rito kay Senator Tol Raffy Tulfo – tigilan na muna ang pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait.
Itong lintek na bansang ‘to, kinubkob ng mga Iraqi noon . Tinulungan ng mga allied forces sa pangunguna ng Estados Unidos at binansagang First Gulf War noong 1990.
Isa si Tol Erwin sa mga sumabak diyan sa sinasabing “operation freedom” ng U.S. Army Infantry Division para palayain yang lintek na bansang ‘yan sa kamay ni Saddam Hussein noon.
Napulbos ng husto ang mga Iraqi kaya napalaya ang mga duwag na army at mga mamamayan ng Kuwait.
32 years later, nakalimot na yata ang mga putres na ito. Mukha yatang naglabasan na ang mga halimaw, mga tila psychopath at sociopath na nasa loob mismo ng kanilang pamamahay.
Balikan natin ang ilang pangyayari; Taong 2018, panahon ng administrasyon ni Duterte ng kondenahin natin ang Kuwait dahil sa mga reports ng pang-aabuso, pagpatay at karahasan sa mga ofw sa Kuwait.
Kaya’t nagpatupad ng deployment ban at pansamantalang natigil ang pagpapadala ng mg OFW sa Kuwait.
Taong 2018 din ng magkaroon ng kasunduan ang dalawang bansa para protektahan ang karapatan at kaligtasan ng mga OFW.
Taong muling binuksan ng gobyerno natin ang pintuan para magpadala ng mga manggagawa sa Kuwait, tinanggal ang deployment ban.
Subalit ilang reports na naman ng pang-aabuso sa ating mga kababayan ang naglalabasan. Etong huli, naulit na naman ang pagpaslang – hindi marunong madala ang bansang ‘to.
Kung sa Syria, Libya ay bawal magpadala ng mga OFWs dahil naiintindahn natin dahil maraming terorista doon.
Pero sa bansang Kuwait, nakatago ang ibang klaseng mga terorista sa loob ng kanilang pamamahay – kaya dapat bino-boycot na ‘tong lintek na bansang ‘to.
Sa iba namang mga OFW na nasa bansang Kuwait, kung mababait ang amo nyo, Salamat sa Diyos – diyan muna kayo.
Subalit kapag kayo’y inabuso, andito lang ang TULFO BROTHERS, lapit lang kayo at mga pamilya niyo sa amin.
Sa anumang bansa na may mga abusadong employer – dapat nilalatigo muna at pina-public execution — sigurado titino yang mga yan.
At kung menor de edad ang salarin, magulang ang dapat na substitute.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.