“Ano ba ang credentials mo at qualification mo para mag-imbestiga?
Kayo ba ay nakapag-aral? Seminar? Nag-schooling tungkol sa proper way of investigate a suspect na nashort sa kanyang pagiging cashier,
ikaw na nagsabi malinis sa treasury, malinis sa accounting, kung malinis siya at walang ebidensya eh di pakawalan mo na!
Ito ang mga salitang binitiwan ni Senator Raffy Tulfo laban sa mga opisyal ng Landmark Mall Makati.
Sumiklab sa galit si Senator Raffy Tulfo nitong Lunes, January 30 nang makaharap sa senado ang ilan sa opisyales ng Landmark Mall dahil sa panggigipit umano nila sa isang cashier.
Sa naganap na pagdinig ng Senate Committee On Labor, Employment At Human Resources Development, sinermonan ng senador ang security department head na si Juanito Tanudtanud at abogado ng Landmark na si Atty. Valention Dionela.
Sagot ng abogado ng Landmark na si Atty. Valentino Dionela, “Chine-check ‘yung mga dokumento, wala ho kasing makitang pinanggalingan ng shortage. Pero may shortage sa cash transaction. ‘Yung sinurrender… na cash, nung binangga sa report, kulang,”
Humirit naman ang head security ng Landmark na si Juanito Tanudtanud, “Doon sa treasury, wala naman po problema okay naman po. Doon sa accounting, ok naman po ang mga tally sheet pero kulang siya ng almost P5,000,”
Lalong sinopla ni Senator Raffy Tulfo ang dalawa sa isyu nang pagdamay ng Landmark sa personal na buhay at pamilya ng kahera sa isyu ng shortage sa ni-remit na pera.
Tanong ni Sneator Tulfo, “Ano’ng kinalaman ng nanay, live-in partner, at iba pang kamag-anak na inimbestigahan mo for being short? Ganoon ba ang tinuro sa inyo sa pag-iimbestiga,”
Dagdag pa ni Tulfo, “Kung kayo ay mag-o-audit ng mga kahera pagkatapos ng kanilang duty, ‘di ba dapat sa harap nila nagbibilangan? ‘Di ‘yung wala na sila, and then pagbalik nila kinabukasan tsaka niyo sasabihin na sila ay short,”
Nag-umpisa ang lahat ng ipinost ng kahera sa social media ng kahera ang kanyang sinapit sa Landmark. Sinisisi siya sa hindi pag-remit ng halaga sa kanyang kabuuang resibo.
Ang Landmark Mall ay inirereklamo din ng ibang kahera matapos silang pagbintanggang nagnakaw ng walang basehan at kinaltasan ang kanilang sweldo para pambayad sa nawalang pera.
Samantala, iminungkahi ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na kasama sa pagdinig na isaayos ang seguridad ng kanilang department store sa pamamagitan ng paglalagay ng mga CCTV camera para mapaigting ang seguridad at makita ang mga kilos at galaw ng mga empleyado.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.