Darating ngayong araw, Pebrero 6 ang expertong kinatawan ng United Nations upang pamunuan ang pagsasanay sa forensic pathology sa Pilipinas.
Si Dr. Morris Tidball-Binz ay Special Rapporteur on Extrajudicial Summary or Arbitrary Executions at isa ring kilalang forensic pathologist na inimbitahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang bahagi ng capacity building nito sa ilalim ng United Nations Joint Program (UNJP).
“He is coming in his capacity as an expert in the field to help capacitate our current doctors. We need more capable doctors in our country to assist our law enforcement agencies in their work,” pahayag ni Remulla.
Nilinaw at binigyang-diin naman ni Remulla na ang pagdating ni Dr. Tidball-Binz ay hindi bilang isang Special Rapporteur ngunit bilang isang eksperto sa larangan ng forensic pathology upang hasain ang mga kasalukuyang doktor sa bansa.
Sa kasalukuyan dalawa lang ang lehitimo at internationally-accepted na forensic pathologists sa Pilipinas dahil ang iba ay pawang medico-legal experts, ayon kay Remulla.
Capacity-building para sa mga kalamidad ang isa sa mga layunin ng ipag-imbita sa dayuhang eksperto at inihalimbawa mg kalihim ang nangyari noong bagyong Yolanda kung saan kailangang iproseso ang libu-libong mga bangkay ng mga biktima.
Inaasahang makikipagpulong si Tidball-Binz kina Justice Secretary Remulla, Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Philippine Drug Enforcement Agency Director-General Moro Virgilio Lazo, Philippine National Police Chief Rodolfo Azurin, gayundin ang National Bureau of Investigation Director Medardo De Lemos.
Recent News
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
A bettor from Balagas, Batangas City won ₱46,546,547.80 in the Lotto 6/42 drawn last October
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.