Isinusulong sa Senado ang isang panukala na magbibigay ng karagdagan benepisyo at pribilehiyo ang mga nakaraang Pangulo ng Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Christopher “Bong” Go na hindi daw natatapos ang isang presidente sa kanilang pagseserbisyo sa bayan kahit tapos na ang kanilang termino.
“Alam n’yo po, ang isang presidente po kapag natapos ang kanyang termino, ay considered na wala na siyang trabaho. Pero (sa totoo lang), kahit tapos na ang kanilang termino, hindi po nagtatapos ang kanilang trabaho at pagseserbisyo,” ayon kay Go.
“Once you are a president, you will always be a president. Ibig sabihin, yung puso mo, nasa pagseserbisyo pa rin,”
Suportado si Go sa panukalang ito ang mga senador na sina Mark Villar, Francis Tolentino, Ronald “Bato” dela Rosa at Robin Padilla.
Sa oras na maisabatas ang Senate Bill No. 1784 o “Former Presidents Benefits Act of 2023” ang lahat ng mga naging president ng bansa ay mabibigyan ng karagdagang benepisyo at pribilehiyo, tulad ng personal na seguridad at proteksyon, sapat na kawani na ipagkakaloob ng Office of the President, at angkop na espasyo ng opisina at iba pa.
Bibigyan din ang mga nakaraang Pangulo at miyembro ng kanyang pamilya ng sapat na seguridad mula sa Presidential Security Group.
“Ngayon, kung saka-sakaling pumasa po ito, bigyan man lang sila ng dignidad ng kanilang pagiging former president, bigyan man lang sila kahit lima na staff. At saka ‘yung security po na maisabatas na para meron silang permanenteng security for the remainder of their life,”.
Binanggit din ng senador na sa bansa gaya ng Amerika, Indonesia, France, South Korea, Brazil, Sri Lanka at India ay may mga benepisyo at pribilehiyong ibinibigay sa mga kanilang mga dating lider.
Hindi rin aniya ito kinakailangan laanan ng malaking budget ng pamahalaan.
“Wala naman tayong hinihinging dagdag na pension o sweldo or allowance para sa mga dating pangulo. Kaunting suporta lang naman, katulad ng limang staff at security lang,”.
“Ang kasalukuyang batas na nagbibigay ng benefits po sa isang dating pangulo ng bansa ay Republic Act No. 5059. June 17, 1967 pa ito naisabatas… currently po na-adjust po ito sa executive order po ni former president Corazon Aquino. Meron silang natatanggap na Php 8,000 monthly lifelong pension lamang.”
Kasalukuyan, tatlong dating presidente ang posibleng mabigyan ng benepisyo sakaling maisabatas ang Former Presidents Benefits Act of 2023 ito’y sina dating pangulong Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at Rodrigo Duterte.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.