Pansamantalang pinahinto ng Department of Migrant Workers ang pagpoproseso ng mga aplikasyon ng first-time Filipino domestic helpers sa Kuwait.
Ayon kay Department of Migrant Workers Undersecretary Hans Leo Cacdac, ikinasa nila ang partial deployment ban habang pinalalakas nila ang monitoring, reporting, at response mechanism upang tiyakin ang kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Maapektuhan ng ban ang aplikasyon ng 47,099 mga domestic helpers na unang beses pupunta sa Kuwait.
“Nakikita natin na sila ang pinaka-vulnerable o potential na mahirapan sa adjustment pagdating sa Kuwait kaya pinagkaka-ingatan natin ang kapakanan nila,” saad ni Cacdac.
Bukod dito, magsasagawa ang DMW ng mas maraming information at orientation campaigns o seminars para sa OFWs at mga employers sa Kuwait.
Matatandaang nanawagan si Sen. Raffy Tulfo sa DMW na magpatupad ng total deployment ban sa Kuwait matapos ang karumad-dumal na pagpaslang kay Jullebee Ranara ng anak ng kanyang among Kuwaiti.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.