Sino ang may pananagutan sa mga pobreng kubrador, ang mga Small town lottery operators o ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO?
Ito ang naging mainit na tanong ni Senator Raffy Tulfo tungkol sa isyu sa kawalan ng health benefits ng mga kubrador o bet collectors ng mga small town lottery (STL) sa bansa.
Ito ay matapos makatanggap ang senador ng sumbong mula sa mga kubrador na nagkakasakit at pinababayaan ng kanilang mga operators.
“Ang mga kabo a.k.a. bet collectors sila po yung literally gumagawa ng pera para sa mga STL operators para sa PCSO na din, because umulan man o uminit, sila po ay babad sa labas at kumokolekta ng taya”
Sinagot ni Atty. Lauro Patyag, Assistant General Manager ng Management Services Sector ng PCSO at base sa kanilang Implementing Rules and Regulation (IRR) ang mga kubrador ay empleyado ng mga authorized agent corporation at hindi empleyado ng PCSO.
Pero agad itong sinopla ng senador dahil may “power” aniya ang PCSO pasunurin ang mga operators na sumunod sa labor laws.
“Kung ‘di po sila empleyado ng PCSO, bakit po sila pinapayagan kumulekta ng pera? Bakit sila pinapayagan magsuot ng id? Sino ang gumawa ng IRR na ‘yan? Hindi niyo na-consider yung mga gumagawa ng pera, kung wala po yung mga kabo wala STL operator, wala revenue sa PCSO”
Hinikayat ni Senator Tulfo na baguhin ang PCSO ang kanilang IRR, “Sana po nung ginawa niyo yun IRR, inisip niyo yung kapakanan ng nga maliliit na manggagawa ng mga STL operators, ang inisip niyo agad magkano kikitain ng STL operators, magkano magiging porsyento ng kailangan nila iintrega at magkano ang dapat mapunta sa PCSO, without considering them sila po ang mga kalabaw ninyo.”
“Habang ang mga gambling lords STL operators ay nasa kanilang airconditioned na kwarto kaharap ang kanilang money counting machine at binibilang ang kanilang sako sakong pera habang pinagpawisan ang kanilang mga kolektor”
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.