Patay ang isang dating bilanggo matapos itong barilin sa harapan ng kanyang mga anak sa Hacienda Lopez, Barangay 10, Victorias City, Negros Occidental noong Martes, Pebrero 14.
Kinilala ang biktima na si Rodel Castor, 45 anyos, residente ng Barangay 10.
Ayon kay Capt. Genus David, deputy chief ng Victorias City Police Station, ihahatid sana ng biktimang si Rodel ang kanyang dalawang anak sa eskwelahan nang harangin ito sa daan ng dalawang lalaking nakasuot ng bonnet.
Dead-on-the-spot ang biktima matapos itong pagbabarilin ng mga suspek na mabilis tumakas sakay ng motorsiklo. Hindi naman nasaktan ang mga anak ng biktima.
Ayon kay David, maaaring matagal na minanmanan ng mga suspek si Castor sapagkat base sa salaysay ng mga kapitbahay, namataan umano nila ang motorsiklo sa lugar ilang araw bago ang pagpaslang.
Taong 2010 nang makalaya si Castor sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City matapos itong maabswelto sa kasong homicide, ayon sa opisyal.
Sama ng loob ang tinitignang motibo ng mga awtoridad sa nangyaring krimen.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.