“Kayong mga developer ‘wag niyo niloloko ang mga buyers ninyo dahil may #ipaBITAGmo, malayo man kayo kahit pitong bukid ang aming lalakbayin, sampung ilog ang tatawirin, kapag naka-abot kami sa inyo- humanda kayo, suntok, sipa at batok na mga salita ang aabutin niyo kay BITAG.”
Eto ang iniwang pahayag ng investigative journalist at public service television program host na si Mr. Ben Tulfo para sa mga real estate developers sa Pilipinas.
Aniya, may ilang developers na hindi pumapayag na mag-tripping o makita ng personal ang bahay at lote na bibilhin ng mga buyer.
Dahil pre-selling ay puro picture sa brochure lang ang ipinapakita ng mga ahente sa kanilang mga prospect buyers.
Ang pahayag na ito ay nagmula sa sumbong ng isang millennial seaman na si Emmanuel Bautista na lumapit sa public service TV program ni Ben Tulfo na #ipaBITAGmo.
Sumbong ni Emman, taong 2021 pa nang makumpleto niya ang downpayment sa kaniyang binibiling house and Lot sa Edinburg Place Subdivision sa Lipa City, Batangas.
Mula September 2020 hanggang Agosto 2021 ay umabot sa P788,000 ang kaniyang naibayad sa Demeterland Development Corporation. Ipinakita niya sa BITAG ang mga official receipts na isyu mismo ng Demeterland.
Oktibre 2022, laking dismaya daw ni Emman nang umuwi siya ng Pilipinas at makitang isang bakanteng lote pa din ang kaniyang biniling property sa Demeterland.
“ Ni isang poste wala pong nakatayo, bakante at nakatiwangwang pa din yung lote na nabili ko…”
Dahil sa pagkadismaya ay nagdesisyon si Emman na bawiin ang downpayment na ibinayad niya sa Demeterland. Subalit, sagot daw ng developer sa kaniya ay hindi na Pwedeng mai-refund ang kaniyang bayad dahil sa Maceda Law.
Ayon kay Atty. Melanio “Batas” Mauricio Jr., resident lawyer ng #ipaBITAGmo, kalokohan ang paggamit sa Maceda Law para hindi mabawi ng buyer ang kaniyang naibayad sa developer.
“Una po ang Maceda Law ay proteksiyon para sa mga bumili na hindi na kaya magbayad ng kanilang mga installment kung saan hindi sila basta-basta mapapaalis sa property na kanilang nabili. Ang batas na ito ay hindi para sa subdivision owner/developer. Pangalawa, yan pong Maceda Law ay nagtatakda na hindi puwedeng paalisin ang sinuman na hindi na nakakabayad hangga’t hindi naibabalik ‘yung tinatawag na surrender value ng taong bumili,” ani ni Atty. Batas.
“Ito ay non-delivery of promise. Maituturing na panlilinlang kapag tumanggap ka ng pera at hindi mo tinupad ang iyong pangakong serbisyo,” dagdag ni Atty. Batas.
Sinubukan ng BITAG na makuha ang pahayag sa sumbong ng inirereklamong Demeterland Development Corporation. Tumanggi silang magpa-interview sa programa ni Ben Tulfo.
A-16 ng Pebrero, personal na binisita ng BITAG Investigative Team ang tanggapan ni Mayor Eric Africa ng Lipa City Batangas.
Base sa recorded phone conversation ni Ben Tulfo at Mayor Africa, kumbinsido ang alkalde na may paglabag na ginawa ang Demeterland sa kanilang kontrata sa nagrereklamong buyer na si Emman.
“Naging subject na po sila ng aming sanggunian Mr. Tulfo,” ani sa telepono ni Mayor Africa.
Pinasamahan ni Mayor Africa sa mga kawaii ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang grupo ng BITAG na puntahan ang tanggapan ng Demeterland sa Lipa City.
Sarado ang opisina ng inirereklamong developer ng puntahan ito ng mga taga-munisipyo at BITAG.
Sinilip rin ng BITAG ang nabiling “dream house and lot” ng nagrereklamong si Emman. Baka at bakanteng lote ang tumambad sa mga kawani ng Lipa City, Batangas BPLO at BITAG.
Kasalukuyan ding dinidinig sa Sanggunian ng Lipa City Hall ang reklamong ito laban sa Demeterland Development Corporation. Manghihimasok na rin ang Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC matapos ilapit ng BITAG ang reklamo ni Emmanuel.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.