Sabi nga nila, sa piling ng ina, ligtas ang kanyang anak.subalit tila baliktad ang naging
kapalaran ng isang paslit sa lungsod ng Navotas. Dahil sa kamay ng kanyang sariling ina, nagwakas ang buhay ng isang musmos.
Taong 2009, isinilang ng noo’y disi-nuebe anyos na si Jin Paula Pelayo ang kanyang pangalawang anak na si Alexa Rain. Dahil lulong sa iba’t ibang bisyo, hindi alam ni Jin kung sino ang ama ng bata.
Bagama’t may bisyo si Jin… kinakitaan daw ito ng munting pagbabago magmula nang isilang si Alexa Rain.
Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng BITAG Crime Desk ang tatay ng suspek, na tumatayo rin lolo ng biktima, ibinahagi ni Mang Rolando Agoha BITAG Crime Desk ang karumaldumal na krimen na nagawa ng kanyang anak na si Jin.
“Nung nabuntis siya hindi niya alam kung sino ang tatay niya, siguro lasing baka napagsamantalahan parang lagi na siyang aburido. Nawala na yung ano parang tamang pagiisip niya”ayon kay Mang Rolando.
Si Mang Rolando na daw ang umako ng responsibilidad na tustusan ang mga pangangailangan ng kanyang apo at nagtrabaho siya bilang delivery boy sa isang water refilling station para masuportahan si Alexa rain.
“Tumutulong naman sa mga gawaing bahay ganun lang, nag-aalaga ng anak tapos tatambay diyan nagbibinggo pagka may mga birthday- birthday diyan nayayaya sa inuman ganun lang ang buhay niya” paliwang ni Mang Rolando.
Subalit noong June 24, 2016 ang epekto ng droga, mas nanaig kesa sa pagmamahal ng isang ina.
Halos dalawang araw raw nilang binabantayan si Jin na tila wala sa sarili.
Ayon daw kay Jin, may naririnig ‘diumano siyang mga boses na nagbabanta sa buhay nilang mag-ina.
“parang may mga pumapasok daw sa isip niya, parang may naisip siya na
may magtatangka sa buhay nilang mag-ina dalawang araw dalawang gabi na walang tulog” kwento ni Mang Rolando
Ang mga kakaibang ikinikilos ni Jin sinyales na pala ng isang karumal-dumal na krimeng nakatakdang maganap dahil gabi noong June 24, 2016 habang mahimbing na natutulog si Mang Rolando nagising raw siya sa langitngit ng kanilang pintuan at nang idilat ni Mang Rolando ang kanyang mga mata nakita niya si Jin na duguan ang mga kamay at hawak ang isang kutsilyo.
“Kinuha ko yung bata na may dugo kinarga na namin dinala ko sinugod na namin sa ospital” paliwang ni Mang Rolando.
Subalit makalipas lang ang ilang oras, binawian din ng buhay ang kaawa-awang bata dahil sa apat na saksak sa tiyan…mga saksak na tinamo mula sa sariling ina.
Ano ang kasong nakatakdang harapin ni Jin Paula Pelayo matapos mapatay ang sariling anak?
Ito ang tinutukan at dinokumentaryo ng programang BITAG: Crime Desk.
Panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.