Walang kinatatakutan, mga naghahari-harian sa lansangan, sila ang naengkuwentro ng BITAG taong 2008.
Dokumentado ng BITAG surveillance at undercover camera ang mga sigang garapalang nangongotong sa mga pobreng driver ng mga pampasaherong jeepney.
Ang estilo, kaliwa’t kanan ang sahod ng mga kamay sa mga nagdadaang pampasaherong jeepney. Kasabay nito ang kanilang mga panduduro at pananakot.
Nagbabanta sa mga jeepney driver ‘wag nang muling dadaan sa Quiapo kung hindi magbabayad ng butaw.
Nadiskubre ang kotongang ito na ito nang dumating sa BITAG Action Center ang mga tsuper ng jeep na bumibiyahe pa- Quiapo.
Reklamo ng mga tsuper, matindi ang panga-abusong ginagawa sa kanila ng mga pesteng kotongero sa Quiapo.
Ginagawa umani silang tau-tauhan at gatasanan ng mga dorobo. Kuwento ng mga nagrereklamong drayber, wala raw sila karapatang tumanggi, walang karapatang sumagot sa mga nanghihingi.
Obligado silang magbigay kahit barya, kahiy simula pa lang ng pamamasada.
Higit 10-katao ang mga kotongerong naidokumento’t naaktuhang nangongotong ng BITAG Investigative Team. Hindi pa kasama ang mga batang natuto na rin sa mga estilo ng kanilang mga kotongerong magulang.
Ayon sa report, pati mga bata ay nakikipila na rin sa mga nangongolekta ng barya sa mga tsuper – maling hanap-buhay na natutunan sa kanilang mga magulang.
Sa tulong ng Manila Police District (MPD), natuldukan ang pangongotong sa mga drayber sa Quiapo.
Nagmistulang mga dagang nakakita ng pusa, na nagpulasan ang mga dorobo. mga dorobo.
PANOORIN ang maaksyong operasyong ito ng BITAG at MPD:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.