Taong 2020, hindi nagdalawang-isip ang investigative at public service television host na si Mr. Ben Tulfo na tulungan ang isang ama na dumating sa Bitag Action Center.
Hiling ng ama na matulungan siyang makamit ang hustisya para sa kanyang dose anyos na anak na ginahasa umano ng kanilang 28-anyos na kapitbahay.
“Nagsimula sa payapos-yapos at pahalik-halik hanggang sa inaabuso na po pala siya at nangyari na po ang hindi dapat mangyari,” sumbong nito sa BITAG.
Base sa mga medico legal na ipinakita ng ama sa BITAG, lumalabas na April 2019 nang unang magalaw ang kaniyang menor-de-edad na anak.
Gumuho daw ang kaniyang pangarap para sa dalagang anak nang malamang may relasyon ito sa suspek na pamilyadong tao.
Agad naman kumilos ang BITAG sa sumbong na ito. Nagsagawa ng sunod-sunod na surveillance operation ang BITAG Investigative Team upang mapag-aralan ang kilos at galaw ng inirereklamo.
Dalawang buwan na trinabaho ng BITAG Investigative Team ang sumbong na ito.
Subalit, natuklasan ng BITAG na isa palang “hudas” ang nagrereklamong ama.
Napag-alamang tinimbrehan ng ama ang mismong suspek na tinatrabaho na siya ng BITAG.
Nakipagkasundo ang ama sa nanggahasa sa kaniyang anak na tatanggap sila ng kabayarang P250,000. Kapalit nito ay pipirma siya ng Affidavit of Desistance upang mapawalang bisa ang kasong Acts of Lasciviousness na ikinaso laban sa suspek.
Subalit matapos niyang tanggapin ang paunang bayad na P25,000 ay hindi na siya kinausap pa ng suspek.
Ang hudas na ama, nagawa pang bumalik sa tanggapan ng BITAG para magpatulong sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) na makuha ang kabuuan ng P250,000 na areglo.
Samantala, nagbabala si #ipaBITAGmo program host na si Ben Tulfo sa publiko.
“Seryoso ang public service ng BITAG, may mga kasong hindi basta-basta tinatrabaho, may mga kasong kailangan ng masusing imbestigasyon at pagpaplano. Kapag lumapit kayo sa BITAG at gusto niyo ng hustisya, hayaan niyong magtrabaho ang BITAG. Kapag lumapit kayo sa BITAG ipagtatanggol namin kayo, huwag na huwag niyo kaming huhudasin at sa bandang dulo ay ibebenta lamang ang inyong storya kapalit ng maliit na halaga,” diin ni Tulfo.
Ang aksiyon ng BITAG at reaksiyon ni RTIA host na ngayon ay Senador na si Raffy Tulfo – panoorin:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.