“We are ready to submit our docs from the court and from the embassy.”
Ito ang diretsahang sagot ni Erwin Tulfo laban sa mga humaharang sa kaniyang pagpasok sa Kongreso. Ang mga recycled issue, kwestyun sa kaniyang US citizenship at ang naging hatol sa kasong libelo noong siya ay mamahayag pa.
Hindi na bago ang dalawang alegasyon na ito. Ito rin ang mga ipinukol noon sa dating Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong humarap sya sa Commission on Appointment (CA). Subalit, hindi nabigyan ng sapat na pagkakataon para maipresinta ang kaniyang mga dokumento.
Kahapon, naglabas ng suspensyon laban kay Tulfo ang Commission on Election (Comelec) bilang nominee next-in-line ng ACT-CIS partylist. Nag-ugat ito sa petisyong disqualification ng isang Atty. Moises S. Tolentino, Jr.
“Said Petition, docketed as SPA-23-001 (DCN) by the Clerk of the Commission, was taken cognizance by the Commission under Sections 1 to 5 of Rule 5 of COMELEC Resolution No. 9366. Therein, Atty. Moises S. Tolentino, Jr. is seeking the disqualification of Mr. Tulfo on allegations pertaining to ‘question of citizenship’ and ‘conviction by final judgment of a crime involving moral turpitude,” ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco.
Sa mga naunang pahayag ni Tulfo, sinabi nya na nag-renounce na sya ng kaniyang US citizenship noong mga unang bahagi ng 2022. Nilinaw rin niya na ang libel conviction ay tungkol sa kaniyang pagiging isang mamamahayag at hindi bilang isang opisyal ng gobyerno.
Hanggang sa kasalukuyan, hati ang Senado hinggil sa isyu ng libel case na inuugnay kay Tulfo na tinawag na “conviction by final judgment of a crime involving moral turpitude.”
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.