Iba-iba ang storya ng mga sumbong na inilapit sa BITAG na may kinalaman sa ating mga Overseas Filipino Workers o OFW.
Kadalasan, pagmamalupit at pang-aabuso ng mga dayuhang amo. Kaya ang ating mga OFW, nagpapasaklolong makauwi na ng Pilipinas.
Sa mga sumbong na ito, ang unang tinatamaan ay ang mga recruitment agencies. May mangilan-ngilan na ipinagwawalang-bahala ang reklamo o hinaign ng kanilang mga pinaalis na OFW.
Eto ‘yang paborito ng BITAG na puntahan, kumprontahin at pakilusin na gawin ang kanilang mga trabaho. Ang mga inirereklamong manpower o recruitment agency na ito, basta kumita lang ay kesehodang nanganganib na ang buhay ng mga OFW.
Kamakailan, may nasampolan na sa Senado. Sa BITAG naman, ilan na rin ang nakatikim ng kamandag ng kumprontasyon.
Buwan ng Pebrero 2023, kakaibang sumbong naman sa isang OFW mula sa Jeddah ang natanggap ng public service program sa television ni Ben Tulfo na #ipaBITAGmo.
Pest control technician ang inaplayan papuntang Saudi Arabia ng balik-manggagawang si Marjon Mellijor. Inirereklamo niya na imbes sa pest control ay ginawa umano siyang hardinero.
Walang kiyemeng nakipagtulungan sa BITAG ang kaniyang inaplayang recruitment agency na Unionskills International Inc. Paliwanag ng Human Resource officer ng agency, isa sa mga proyekto ng crown prince ng Saudi ang pinagtrabahuan ni Mellijor.
“Mr. Tulfo, nagsisimula pa lang ang nursery farm ng The Red Sea Development Company sa Jedah. Nagsisimula pa lang dumping ang mga inimport na halaman ng principe ng Saudi kaya wala pa siyang tatrabahuin billing pest control technician kaya pinaghardinero muna siya,” ani ni Heidi Andrade ng Unionskills sa interview sa kana sa telephone ni Ben Tulfo.
Dagdag ni Heidi, kung magkanong sahod ang pinirmahan ni Mellijor sa kaniyang kontrata ay ganoon pa rin naman ang sinasahod nito sa pagiging gardener.
Subalit matapos daw ang dalawang buwan ay tinanggal si Mellijor sa trabaho dahil hindi ito nakapasa sa probationary period.
“According from his supervisor and managers, lagi siyang maraming complain. And also with his co-workers, may mga complaints din po kaming natanggap regarding sa attitude niya. Kaya nung time na nagkausap kami over the phone, nagsabi naman po siya na tulungan namin siya so we tried to bring him sa accommodation provided by us matapos niyang pumirma ng notice of termination mula sa The Red Sea Development Company,” dagdag ni Andrade.
Subalit reklamo ni Mellijor, dalawang butan umano siyang itinengga sa accommodation sa Jeddah kaya’t nais niyang bayaran siya sa panloloko sa kaniya.
Isinumbong din ni Mellijor na tinakot umano siya sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Philippine Consulate sa Jeddah na kapag hindi siya pumirma sa mga dokumentong pinapipirmahan sa kaniya ng agency ay hindi siya makauwi.
Hamon ng Unionskills, ipapadala nila sa BITAG ang mga dokumentong pinirmahan ng nagrereklamo katulad ng pagtanggap ng lahat ng kaniyang sahod, mga benepisyo at plane ticket pabalik sa Pilipinas mula sa kaniyang employer.
Sino ng nagsasabi ng totoo? Panoorin ang buong imbestigasyon ng BITAG at iba pang rebelasyon sa sumbong na ito:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.