KAKAIBA ang provincial politics. Malalakas ang loob ng mga political warlords sa malalayong probinsya.
Bakit tinawag na political warlords? Sila ‘yung mga politiko na ang dugo ay mandirigma. Matira ang matibay kung sino dapat ang manatili at mamuno.
May sarili at kani-kaniya silang mga pwersa’t tauhan. Kakaiba rin ang kanilang mga galawan at estilo galawan.
Teritoryal ang ugali ng mga political wardlord sa kung sino man ang namumuno.
Lalo na sa kung sino man ang gustong umagaw sa pamumuno gamit ang dahas. Layunin niya/ nilang tuldukan ang pananatili mo sa mundong ito.
Matinding pinag-aaralan ang galawan ng kanilang katunggali o vice versa. Kapag sila’y na-outsmart, na-outdone, na-outperform, kailangan nang i-outflank ang iyong katunggali.
Ang kanilang gamit – guns, gold and goons.
Maging ang kanilang mga taga-sunod at taga-suporta, kakaiba din ang isipan at sikolohiya. Matataas ang emosyon at damdamin.
Dahil sa matinding paniniwala at pagsuporta sa “adbokasiya” ng kanilang politiko – handang gumawa ng bagay kung kinakailangan kahit mauwi pa sa hindi magandang kahihinatnan.
Tandaan na sa ganitong mga galawan, mayron laging utak kung o ang tinatawag na “the brains.”
Kasama rin ang mga tactical planners and recruitment na kung tawagin naman ay “the executioner.”
Talagang iba ang kultura kung provincial politics at ang mga political wardlords nito ang pag-uusapan.
Nakakalungkot sabihin na ang mga alagad ng batas, mga piskalya, at mga huwes – alam nila kung sino ang mga naghahari-harian at nagsisiga-sigaan.
Ang pinakamasaklap, wala silang magawa. Ika nga “self-preservation” na lang lalo na kung ‘yung political warlord ay dikit sa administrasyon.
Kaya naman ‘yung desperado, desperado rin kung mag-isip at kumilos. Desperado na rin ang desisyon at aksyon.
Huwag naman sana kumalat ang kulturang ito sa National Capital Region (NCR).
Kinakailangan dito na may kinakatakutang batas. ‘Yung batas na hindi ka sasantuhin na ‘pag sinubukan mo, may kakalagyan ka sa lenggwaheng ginagamit mo.
Kung itong mga pulitiko dinala sa Maynila, ang mensahe dapat : “pang probinsya ka lang. dun ka maghari-harian. wag mong dadalhin sa maynila. di mo teritoryo to.”
Ito ang totoong istorya sa mga pinapatay na pulitiko — mga provincial politics.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.