Isang grupo ng mga kababaihan ang naaresto ng mga awtoridad matapos nilang pagnakawan ang isang chinese international student sa Bonifacio Global City sa Taguig kahapon, Marso 8.
Ayon sa BGC police, namimili sa grocery store ang biktima nang mamataan ng store marshall na ginigitgit siya ng mga suspek.
Dinala sa presinto ang mga suspek kung saan narekober sa kanila ang dalawang mamahaling cellphone ng biktima. Sa imbestigasyon ng BGC Police, mga “dayo” at hindi mga nakatira sa Taguig ang grupo ng mga kababaihang suspek. Nakita rin sa kanilang mga gamit ang maraming damit, sumbrero at ID na may iba’t-ibang pangalan na umano’y bahagi ng kanilang ginagawang modus.
Ayon kay Police Major Judge Donato, nagpapalit sila ng mga damit sa tuwing sila ay nabubulabog nang sa gayon ay hindi sila paghinalaan ng kanilang mga nabibiktima.
Dagdag pa ni Donato, mga ‘dayo’ at hindi mga residente ng Taguig ang mga suspek.
“Itong mga suspek na ito may mga profile na tayo dati at identified na sila na tumitira dito sa ating area,” wika ni Donato.
Kasalukuyang nakakulong sa Fort Bonifacio substation ang mga suspek kung saan Nahaharap sila sa kasong theft.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.